• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkakaantala sa pagpapatupad ng stay safe , bunga ng burukrasya -Sec. Roque

KUMBINSIDO si Presidential Spokesperson Harry Roque na napigilan sana ang pagsirit sa kaso ng COVID 19 kung walang nangyaring pagkaantala sa pagpapatupad ng stay safe.

 

Ani Sec. Roque, malaking ambag sana ang implementasyon ng Stay safe para sa epektibong contact tracing.

 

Ang paggamit aniya sana ng teknolohiya o ang tinatawag na digital contact tracing dangan lang at nagkaroon ng delay bunga ng burukrasya.

 

Subalit, ngayong wala ng dahilan sa pag- arangkada ng paggamit ng stay safe, inihayag ng tagapagsalita ng Pangulo na mas mapapaayos at mapapabuti pa ang contact tracing.

 

” Well, sa akin po, talagang the best development is iyong paggamit natin ng StaySafe. Naantala po talaga ang paggamit niyan because of usual bureaucracy, pero sa akin napakaimportante na gamitan natin ng teknolohiya pagdating po dito sa contact tracing,” ayon kay Sec.Roque.

 

“And I think, now that all obstacles have been hurdled, eh mas mapapabuti na po talaga iyong ating contact tracing,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna na ring iginiit ng DILG at ni tracing czar Mayor Benjamin Magalong na dapat sanay magkaroon ng unified system para sa contact tracing efforts hindi gaya ng kani- kaniyang sistema na ipinatutupad ng bawat LGU maging ng pribadong sektor. (Daris Jose)

Other News
  • COVID-19 situation sa NCR mas mabuti na ngayong 2021 kaysa nakalipas na taon

    Mas maganda na ang sitwasyon ngayon ng National Capital Region (NCR) sa harap ng COVID-19 pandemic kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon, ayon sa OCTA Research group.     Kabilang sa mga indicators na kinunsidera ng grupo para masabi ito ay ang average daily cases, reproduction number, daily attack rate, active cases, at positivity […]

  • Ito ang kauna-unahan niya kaya panay ang training: PIA, naghahanda sa pagsali sa New York City marathon

    NAGHAHANDA na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagsali niya sa New York City marathon.     Ito raw ang kauna-unahang marathon na sasalihan niya kaya panay ang training niya.     “It’s only 3 months before race day and these were my thoughts before I started training and got serious about running cos […]

  • Ads November 10, 2021