• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkamatay ni ex-BuCor deputy officer Ricardo Zulueta, walang foul play – PNP

Walang umanong foul play sa biglaang pagkasawi ni dating Bureau of Corrections deputy officer Ricardo Zulueta ayon sa Philippine National Police.
Ito ang binigyang-diin ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Fajardo sa gitna ng pagdududa ng ilan sa naging pagkamatay ni Zulueta na kapwa akusado ni dating BuCor director Gerald Bantag sa kasong pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid at ang umano’y middleman na si Jun Villamor.
Sa ginanap na pulong balitaan ngayong araw ay binanggit mismo ni PCol. Fajardo ang nakasaad na cause of death sa death certificate ni Zulueta na cerebrovascular disease intracranial hemorrhage o pagdurugo ng utak.
Sabi ng PNP, naiintindihan nila alinlangan ng ilan hinggil sa umano’y katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Zulueta ngunit nakadepende pa rin aniya sa desisyon ng kaniyang pamilya kung sila ba ay papayag na mulling isailalim sa autopsy ang kaniyang mga labi.
Aniya, nirerespeto ng Pambansang Pulisya ang kahilingan ng pamilya ni Zulueta ngunit kasabay nito ay pinanghahawakan din ngayon ng kapulisan ang pangako nilang pakikipagtulungan sa mga otoridad hinggil sa nasabing kaso.
Kaalinsabay nito ay tiniyak naman ng PNP na sa kabila ng pagkasawi ni Zulueta ay magtutuloy-tuloy pa rin ang paggulong ng imbestigasyon sa kasong kanilang kinakaharap ni Bantag kaugnay sa pamamaslang sa naturang mga biktima.
Matatandaang, dakong alas-10:00PM, Marso 16, 2024, isinugod sa pagamutan si Zulueta matapos makaranas ng hirap sa paghinga, ngunit pagsapit ng alas-11:00PM ay idineklara na itong wala nang buhay ng mga doktor.  (Daris Jose)
Other News
  • IT’S HERE. WARNER BROS. RELEASES TRAILER FOR THE MUSICAL DRAMA “THE COLOR PURPLE”

    THE 1985 film of Steven Spielberg. The Color Purple drove fans to tears of heartbreak, anger, and victory.     The film, which was nominated for eleven Academy Awards, portrayed the adversity and triumph of Celie Harris, played by Whoopi Goldberg, and other black women in the south in the early 1900s.     It’s […]

  • Matapos ang pananalasa ng bagyong Carina at Habagat… US nag-alok ng tulong sa PH para sa pagbangon ng bansa

    NAG-ALOK ng tulong ang Amerika para sa pagbangon ng bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina at Habagat.           Ginawa ang pahayag sa pagbisita ngayong araw nina US Secretary of state Anthony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin sa bansa kung saan personal na iparating kay Pangulong Ferdinand Marcos jr […]

  • COVID-19 situation sa NCR mas mabuti na ngayong 2021 kaysa nakalipas na taon

    Mas maganda na ang sitwasyon ngayon ng National Capital Region (NCR) sa harap ng COVID-19 pandemic kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon, ayon sa OCTA Research group.     Kabilang sa mga indicators na kinunsidera ng grupo para masabi ito ay ang average daily cases, reproduction number, daily attack rate, active cases, at positivity […]