Paglaban sa Duterte 2022 pres’l candidate, magiging pahirapan – oposisyon
- Published on June 7, 2021
- by @peoplesbalita
Inamin ng panig ng oposisyon partikular ng kampo ni Vice President Leni Robredo na magiging mahirap na kalaban sa 2022 national elections ang ieendorsong presidential candidate ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sa kabila umano ng tinatanggap na kritisismo ng Duterte administration sa pagtugon nito sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Barry Gutierrez, hindi maitatanggi ang tinatamasang popularidad ni Pangulong Duterte, dagdag pa ang kanyang malakas na social media presence.
Ayon kay Gutierrez, malinaw na isang “uphill battle” o pahirapan ang paglaban sa isang popular na presidente batay sa mga survey kaya kailangan ng malaking resources at malawak na social media machinery.
Inihayag ni Gutierrez na magiging mahirap ang kampanya para kay VP Robredo sakaling magdesisyon itong tumakbo sa pagka-presidente dahil nasanay ito sa face-to-face interactions.
Sa ngayon habang hindi pa naaabot ang target na herd immunity mula sa COVID-19 pandemic, hindi pa umano masasabi kung ano ang magiging itsura ng pangangampanya.
Kung wala daw personal na pakikipagharap at pakikihalubilo sa publiko dahil sa COVID-19, posibleng malaking factor dito ang social media at bentahe raw ito ng administrasyon.
Sa kabila nito, naniniwala pa rin si Gutierrez na gaano man kahirap ang laban, makakakaya naman daw maipanalo. (Daris Jose)
-
DOTr sa LTO: Driver’s license exam, isalin sa iba’t ibang wika
HINDI na magiging limitado sa lengguwaheng Filipino at English ang ibinibigay na pagsusulit ng Land Transportation Office (LTO) para makakuha ng driver’s license ang isang indibiduwal. Sa Department Order 2020-003 na pinirmahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, inatasan niya ang LTO na maglabas din ng driver’s licensure exam na mababasa sa […]
-
Kate Beckinsale’s Electrifying Return To Action Reveals In First ‘Jolt’ Trailer
AMAZON Studios has just released the official trailer for Jolt, a new action film starring Kate Beckinsale. The trailer is witty and colorful, feeling like a cross between Atomic Blonde and Crank. It begins with Lindy, portrayed by Beckinsale, explaining that she has a condition that “makes her snap” while she sits on a train and begins to […]
-
Promo lang pala ‘yun ng bagong endorsement… RAYVER, ‘di totoong nag-propose na kay JULIE ANNE dahil sa regalong ring
NAG-TRENDING sa Twitter ang #MCIHulingHalik na eksena sa GMA Network historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra,” na muling pagkikita nina Maria Clara (Julie Anne San Jose) at Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo), na pumasok na ang story sa second book na isinulat ni Jose Rizal, ang “El Filibusterismo.” Napigilan ang tangkang pagmolestiya […]