• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglikha ng mga bagong Korte, ikinagalak ng SC

IKINAGALAK ng Korte Suprema ang paglikha ng mga bagong dagdag na 60 Korte sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

Ayon sa SC, ang paglikha ng mga bagong Korte ay matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Republic Act 12044 hanggang Republic Act 12054.

 

 

Sinabi rin ng SC na mapapabilis nito ang paglilitis dahil madadagagan na rin ang mga Huwes na hahawak sa mga kaso.

 

 

 

Kinabibilangan ito ng 37 mga Regional Trial Court, 2 Metropolitan Trial Court at 21 na mga Municipal Trial Court sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

 

Kabilang sa mga lugar na may bagong likha na mga korte ay ang Los Banos Laguna, Cabuyao City Laguna, Pagadian City, Zamboanga Del Sur, Antipolo City Rizal, Island Garden City of Samal at Panabo City na parehong nasa Zamboanga del Norte. GENE ADSUARA

Other News
  • Online transactions ng PNP-FEO balik normal na

    BALIK na ang online transactions ng Philippine National Police-Civil Security Group’s online system.         Ito ay matapos na naayos na nila ang naganap na data breach noong Mayo 17.         Sinab ni CSG spokesperson Lt. Col. Eudisan Gultiano, na matitiyak na ngayon na ang Firearms and Explosives Office (FEO) […]

  • Taylor Swift, hawak na ang record for most AMA career wins by a single artist

    SI Taylor Swift ang nagwagi ng top award of the night na Artist of the Year sa American Music Awards (AMAs).   Hindi nakadalo sa awards night si Taylor dahil abala ito sa re-recording ng kanyang music catalog.   In a pre-recorded video, sinabi ni Taylor: “The reason I’m not there tonight is I’m actually […]

  • 17-ANYOS NA DALAGITA NIREYP NG KAINUMAN

    MAAGANG nasira ang kinabukasan ng 17-anyos na dalagitang estudyante matapos samantalahin ang pagkalasing nito at halayin ng 29-anyos na may-ari ng isang computer shop sa bahay ng suspek sa Navotas City.     Nadakip naman kaagad nina P/SSgt. Reyjie Gruta at P/Cpl Clifford Lumelay, nakatalaga sa Sub-Station 4 ng Navotas Police ang suspek na si […]