• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglilinaw ng DBM… Pagpapalabas ng performance-based bonus, magpapatuloy

NAGPALABAS ng paglilinaw ang Department of Budget and Management (DBM) matapos na ipag-utos ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon ng Results-Based Performance  Management System (RBPMS) at Performance-Based Incentive (PBI) System.

 

 

 

Upang bigyang-linaw ang concern na ito na nagmula sa pagpapalabas ng   Executive Order No. 61, sinabi ng DBM na  “release of the 2022 and 2023 performance-based incentives to qualified government workers in the government will proceed.”

 

 

 

Nakasaad kasi sa EO No. 61, suspendido ang implementasyon  ng Administrative Order No. 25 (s. 2011) at  EO No. 80 (s. 2012).

 

 

 

Itinatag naman ng AO No. 25 ang “unified at integrated” RBPMS sa lahat ng departmento at ahensiya sa loob ng  ehekutibong sangay ng gobyerno.

 

 

 

“EO 80 adopted the PBI System —which consisted of a Productivity  Enhancement Incentive (PEI) and the Performance-Based Bonus (PBB) aimed at motivating higher performance, greater accountability in the public sector, and ensuring the accomplishment of government commitments and  targets,” ayon sa DBM.

 

 

 

Sinabi pa ng  DBM na hangad ng  EO No. 60 na rebisahing mabuti ang RBPM at PBI systems ng gobyerno “in order to harmonize, streamline and make the process of releasing personnel incentives more efficient and timely.”

 

 

 

Sa kanyang pinakabagong EO, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang masusing pag-aaral sa  RPB at PBI systems dahil pinaniniwalaang may “duplicative” at “redundant” sa internal at external performance audit at evaluation systems ng government.”

 

 

 

Ang dalawang sistema ay kulang sa review mechanism  “leading to the accumulation of rules, regulations, and issuances from the Inter-Agency Task Force (IATF) on the Harmonization of National Government  Performance Monitoring, Information, and Reporting Systems.”

 

 

 

“Under the EO, possible refinements may be made for the more efficient and streamlined release of the 2023 PBB,” ayon sa DBM.

 

 

 

Idinagdag pa ng  Budget Department na ang budget allocation para sa 2024 PEI ay naipalabas na sa mga ahensiya at dapat lamang na magpatuloy

 

 

 

“Meanwhile, the Fiscal Year 2025 PEI shall also be included in the National Expenditure Program,” ayon sa DBM.

 

 

 

Sinabi pa ng DBM na hangad ni Pangulong Marcos na ireporma ang  government performance evaluation process at incentives system tungo sa mas “responsive, efficient, agile,  at competent bureaucracy sa pamamagitan ng pagpapalabas ng  EO No. 60. (Daris Jose)

Other News
  • Barangay captain niratrat ng riding-in-tandem sa Malabon, todas

    NASAWI ang isang 69-anyos na barangay captain matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa Malabon City, kahapon ng umaga.       Bandang alas-4:30 ng hapon nang malagutan ng hininga habang ginagamot sa MCU hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa tiyan at kaliwang bahagi ng katawan ang biktimang si […]

  • MARVEL DELAYS ‘BLACK WIDOW’ AND OTHER PHASE 4 FILMS

    MCU’s Phase 4 will be taking longer to unfold.   Last year’s San Diego Comic- Con was a blast for MCU fans as Marvel laid out its initial plans for Phase 4 of the Marvel Cinematic Universe. But just like any other plans made for this year, setbacks were inevitable.   According to Variety, Disney […]

  • 3 isinelda sa cara y cruz at boga sa Navotas

    HIMAS-REHAS ang tatlong lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis na naglalaro ng illegal na sugal na “cara y cruz” at makuhanan pa ng baril ang isa sa kanila sa Navotas City.     Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang mga naarestong suspek na sina Mark Anthony Ellaso, 36, warehouseman ng Brgy. 28, […]