Paglilinis ng mga nitso sa Maynila hanggang Oktubre 25
- Published on October 8, 2024
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Manila Mayor Honey Lacuna ang publiko na agahan ang paghahanda para sa nalalapit na paggunita ng Undas.
Ayon kay Lacuna, ang deadline para sa paglilinis ng mga puntod at nitso ay hanggang sa Oktubre 25, 2024 o anim na araw pa bago ang Nobyembre 1 at 2.
Kasabay nito, inatasan ng alkalde ang Manila North Cemetery (MNC) na agahan din ang paglalabas ng iskedyul para sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Ani Lacuna, sa ganitong paraan ay makapaghahanda ang mga bibisita ng mas maaga, dahil ang MNC na pinamumunuan ni Director, Yayay Castaneda ang pinakamalaking sementeryo sa bansa at may pinakamaraming bumibisita tuwing Undas.
Batay sa inilabas na paabiso ng tanggapan ni Castaneda, ang mga may mahal sa buhay na nakalibing sa nasabing sementeryo ay maaaring maglinis, magpintura ng mga puntod at nitso hanggang Oktubre 25. Matapos umano ang naturang petsa ay hindi na papayagan pa ang sinuman na maglinis ng puntod.
Samantala, suspendido naman ang cremation hanggang matapos ang Oktubre 28 habang ang tanggapan ng MNC ay sarado mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3, 2024.
Inaasahan sa Nob. 4 ay magbabalik na ang lahat ng serbisyo, kabilang ang cremation at libing.
Mula Oktubre 24 hanggang Nob. 4, ang main gate ng MNC ay bukas mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-5:00 ng hapon. (Gene Adsuara)
-
Bob Marley’s legacy lives on in “Bob Marley: One Love”
Bob Marley has always felt the power of his music and its capacity to unite people, and Bob Marley: One Love’s aims to capture the immense scope of the icon, and a side of Bob Marley that few have ever seen. “Bob carried the weight of the world on his shoulders to bring one love […]
-
Kapag natuloy na ang paglipat sa GMA: ENRIQUE, balitang si MARIAN ang unang makatatambal
DUE to insistent public demand, extended na ang historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra” ng GMA Network. “Dinggin ninyo kami #MCIExtend,” pakiusap ng mga netizens and fans ng serye. Narinig naman ito ng GMA Entertainment Group at ng production team ng serye ang hiling ng mga manonood, kaya […]
-
Pasok sina Vilma, Sharon, Maricel, Marian, Kathryn, Eugene at Charlie: NORA, nalaglag sa mga nominado bilang best actress ng ‘GEMS Awards’
SINA Vilma Santos-Recto, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Marian Rivera, Kathryn Bernardo, Eugene Domingo at Charlie Dizon ang mga nominado sa GEMS Awards. Bukod sa Star Awards, ay hindi rin nominado si Nora Aunor sa GEMS Awards na magdaraos ng live awarding sa itatakdang petsa at lugar sa taong ito. Paliwanag pa ng […]