• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglilipat kay Veloso mula Indo papuntang Pinas, pinaplantsa pa ng DFA, DoJ

PINAPLANTSA pa rin hanggang ngayon ng gobyerno ng Pilipinas at gobyerno ng Indonesia ang mga kondisyon sa paglilipat kay Mary Jane Veloso na may ilang taon na ring nakakulong at hinatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa pagdadala ng 2.6 kilograms ng heroin sa naturang bansa noong 2010.

 

 

Sa Joint Statement ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DoJ), kapuwa sinabi nito na “we are bound to honor the conditions that would be set for the transfer, particularly the service of sentence by Mary Jane in the Philippines, save the death penalty which is prohibited under our laws.”

 

 

“The conditions for the transfer of Ms. Mary Jane Veloso are still being discussed with Indonesia,” ang nakasaad pa rin sa nasabing joint statement.

 

 

Nauna rito, binigyang-kredito naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Huwebes, ang matatag at malalim ng relasyon ng Pilipinas at Indonesia sa pagsagip sa buhay ni Veloso.

 

 

Sa katunayan, Isiniwalat ni Pangulong Marcos na mismong ang Indonesia ang nagpalit ng sentensiya ni Veloso kung saan mula sa death sentence ay ginawa itong life imprisonment.

 

 

Sa isang panayam sa Nueva Ecija, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagpapalit o pagbabago ng sentensiya mula sa death sentence na ginawang life imprisonment ay inisyal na layunin ng kanyang administrasyon.

 

 

“Since I came into office, what we were trying to… what we were working on it was tanggalin na siya sa death row, to commute her sentence to life [imprisonment],” ang sinabi ng Pangulo sa isang panayam.

 

 

“Noong nangyari ‘yun, when we were able to achieve that, we continued to work with them. It was still with the Widodo government at that time,” dagdag na wika ng pangulo, tinukoy si dating Indonesian President Joko Widodo.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na ang yumayabong na relasyon sa pagitan ng Maynila at Jakarta ay bitbit pa rin ng pumalit kay Widodo na si President Prabowo Subianto, na noon ay naging daan para sa pang huling desisyon para aprubahan ang paglilipat kay Veloso.

 

 

“Dahil maganda naman ang ating relasyon, nakahanap sila – gumawa sila ng paraan, this is the first time they did this,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • Kakulangan ng deklarasyon ng holiday, nagpapakita na nais ng CPP-NPA- NDF ng karahasan – Año

    SINABI ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año na ang deklarasyon ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na walang holiday truce ay malinaw na hangad nito na pagnanais na magdulot ng kalituhan at karahasan.     “(This) simply reflects their persistent commitment to violence and armed struggle, further isolating themselves […]

  • Glory Casino On-line ️official Casino Plus Betting In Banglades

    Glory Casino On-line ️official Casino Plus Betting In Bangladesh “Glory Casino Online ⭐️ Play Now Upon Official Web Internet Site In Bangladesh Content What Does Indeed Glory Offer? What Is Fame Casino? Is This Real Or Bogus? About Glory Casino Dustin Martin Lights Up Mcg With Opening Objective In 300th Complement, Dogs Thrash Dockers In […]

  • Happy na may magandang movie bago matapos ang 2024: RURU, first time mag-MMFF at kasama pa si DENNIS sa ‘Green Bones’

    HAPPY si Ruru Madrid dahil bago matapos ang 2024, may nagawa pa siyang magandang pelikula na official entry pa sa 2024 Metro Manila Film Festival na ‘Green Bones.’   First time na magkaroon ng MMFF movie si Ruru at kasama pa niya ang iniidolo niyang si Dennis Trillo. Lalo pa raw nai-inspire ang Sparkle actor […]