Paglobo ng HIV sa tinedyer, ikinabahala ni Bong Go
- Published on November 24, 2023
- by @peoplesbalita
NABABAHALA si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, sa ulat na pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas, partikular sa mga kabataan.
Matapos tulungan ang mga biktima ng sunog sa Davao City, binigyang-diin ni Go na kailangan na ng komprehensibo at multi-disciplinary approach upang matugunan ang lumolobong krisis sa kalusugan.
“Unang-una, nakababahala ito. Tumataas na naman ang bilang ng kaso ng HIV cases. Bilang chairman po ng committee on health ay tututukan natin ito,” ani Go.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtuturo sa mga kabataan tungkol sa sex, teenage pregnancy, iligal na droga, at alkoholismo bilang pangunahing hakbang sa pagtugon sa isyung ito.
Napakahalaga ani Go ng papel ng disiplina at kamalayan sa paglaban sa pagkalat ng HIV.
“Disiplina talaga ang kailangan dito. Eto ‘yung bagay na masyadong tinatago ng kahit sinuman. Importante dito ‘yung education campaign… ‘wag lang po basta-basta. Dapat multi-disciplinary ang ating approach dito,” dagdag niya.
Ipinunto ng senador na dapat tratuhin ang HIV bilang kapwa health and behavioral concern. Binanggit niya na may mahalagang papel dito ang mga programa ng Department of Health (DOH), kabilang ang mga ospital at Regional Specialty Centers na nakatuon sa mga nakahahawang sakit.
Matatandaang si Go ang pangunahing nag-sponsor at isa sa may-akda ng Republic Act 11959, na kilala rin bilang Regional Specialty Centers Act, na nilagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong Agosto 24.
Binanggit din niya ang kritikal na papel ng Malasakit Centers sa pagbibigay ng tulong sa mga apektado ng HIV. Hinikayat niya ang mga biktima na humingi ng tulong sa mga sentrong ito. (Gene Adsuara)
-
PROTOCOL MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SA MAYNILA
NAGHIHIGPIT pa rin ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagpapatupad ng health protocols sa kalsada at mga Barangay . Kasunod ito sa ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si MPD Director P/Brig.General Leo Francisco at mga station comanders kung saan ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatupad ng […]
-
Kobe Paras lalaro sa Gilas
HANDA na umanong sumabak sa hard court si UP Fighting Maroons star Kobe Paras matapos nitong ipakita ang kanyang mga sneaker na gagamitin para sa laro. Pinaparamdam umano ni Paras sa fans na “bubble ready” na ito matapos umugong ang balitang magiging bahagi ang 23- year-old basketball star ng Gilas Pilipinas pool na papasok […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 11) Story by Geraldine Monzon
NAPILITAN si Cecilia na puntahan si Bernard para humingi ng tulong dito sa trabaho. Sa pagbubukas ng pinto ay isang lasing na Bernard ang bumungad sa kanya. “Angela?” Hindi nakaimik si Cecilia nang tawagin siya nitong Angela. Nabigla pa siya nang yakapin siya nito ng mahigpit. “Angela, salamat at nagbalik ka!” […]