Pagluwag ng quarantine protocols sa NCR Plus, huwag madaliin – expert
- Published on June 14, 2021
- by @peoplesbalita
Hinay-hinay muna at hindi dapat madaliin ang pagluluwag sa quarantine classification sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Ito ang sinabi ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians lalo pa nga’t nararanasan pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa NCR at karatig lalawigan na Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.
“Wag nating hintayin na bumalik ulit tayo doon sa Marso wherein magtatawag na naman ang gobyerno natin ng total lockdown. I hope na i-maintain na lang muna siguro natin ngayon. Anyway, nakakalabas naman ang mga tao. I don’t think we need to be in a hurry sa paglo-loosen up ng ating quarantine measures,” ayon kay Limpin.
Binigyang diin nito na dapat isipin ng gobyerno na panatilihin ang kasalukuyang quarantine classification sa ngayon dahil napapansin na naman nila ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa mga ospital.
”If you look at the daily rates natin medyo tumataas din. Itong mga pagtaas na ito hindi lang natin nakikita dahil yung Mindanao at saka sa Visayas medyo tumaas din sila pero maski dito sa NCR nararamdaman na rin namin. Dapat maghinay-hinay muna. I hope the government, yung IATF, will consider this,” dagdag ni Limpin. (Daris Jose)
-
3 disqualification case at 1 petisyon para sa kanselasyon ng CoC ni Marcos, ibinasura ng Comelec
IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang mga petisyon ng mga petitioner para baligtarin ang pagbasura sa mga kaso laban sa kandidatura sa pagkapangulo ni Presidential aspirant Bongbong Marcos. Sa botong 6-0-1 ay pinagtibay ng komisyon ang pagbasura sa apat na disqualification cases laban sa dating senador. Kabilang sa […]
-
PBBM, nagdeklara ng State of Calamity sa mga ‘Paeng’-hit regions
INILAGAY ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Region IV-A (Calabarzon), Bicol Region, Western Visayas, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa ilalim ng state of calamity sa loob ng anim na buwan. Ito’y bunsod na rin ng matinding pagkawasak ng mga nasabing lugar dala ng Severe Tropical Storm “Paeng.” Nauna rito, nagpalabas […]
-
SoKor kaisa ng PH sa pagsusulong ng rules-based maritime order at freedom of navigation sa WPS
TINIYAK ng South Korea na kaisa nila ang Pilipinas sa pagsusulong ng rules-based maritime order at freedom of navigation sa West Philippine Sea. Ito ang siniguro ni South Korean President Yoon Suk Yeol kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ang kanilang bilateral meeting sa Palasyo ng Malakanyang kahapon, Lunes. Sa Joint […]