• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagmamahal at pagkakaisa ang mensahe ng pelikula: IMELDA, pinag-aralan talaga ni CLAUDINE kaya pinupuri ang pagganap

NASAKSIHAN namin kung paano napuno na karamihan ay mga ‘loyalista’, ang tatlong sinehan ng SM Megamall sa ginanap na premiere night ng ‘Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin.’
Kaya naman walang humpay ang pasasalamat ni Asia’s Sentimental Imelda Papin sa lahat ng sumuporta at tumulong sa kanya na nabuo ang biopic.
Sayang nga lang at hindi nakarating si Pangulong Bongbong Marcos sa naturang event, dahil sumama raw ang pakiramdam nito.
Nilinaw na rin ni Imelda na walang nilabas na pera ang mga Marcos para sa kanyang movie.
“Wala pong binigay na pera ang pamilya Marcos. Ito po ay ginawa namin ng anak ko, at siyempre nagpapasalamat po ako sa mga kaibigan kong tumulong sa akin.
“Kaya maraming salamat sa mga naniniwala at sa mga artista kasama namin dito. Kami pong mag-ina na si Maffi at siyempre ang pamilya namin na sumuporta, at kayo pong mga kaibigan.
“Kaya hindi ako nawalan ng pag-asa, at natapos po namin itong pelikula,” pahayag ni Imelda sa isang interview.
Maraming mga rebelasyon na matutunghayan sa pelikula, lalo na noong panahon na nasa Hawaii ang mga Marcos pagkatapos nilang patalsikin sa Malacanang.
Pinakita kung paano pinasunod si Imelda sa Hawaii para samahan ang dating Pangulong Ferdinand Marcos hanggang sa pumanaw.
Sa kanyang biopic pinasilip din ang humble beginnings niya, na mula sa isang hamak na pamilya ng mangingisda sa Bicol, at pagiging matulungin ng kanyang ama.  Hanggang makarating siya sa Maynila at sumikat na mang-aawit.
At dahil sa kanyang suporta sa pamilya Marcos, nalagay sa panganib ang buhay at karera ni Papin pagkatapos na patalsikin ang mga Marcos sa Malacanang.
Pinasunod nga siya ni Marcos sa Hawaii para sa kanilang kaligtasan. Mas lalo nga siyang napalapit sa kanyang ninong at ninang.
Pinakita rin sa movie kung paano nagsilbing inspirasyon kay Imelda ang mag-asawang Marcos sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino.
Napakahusay ng pagganap ni Claudine Barretto bilang Imelda Papin, kasama sina Gary Estrada bilang Bong Carrion, ER Ejercito bilang  Marcos, Sr., at si Alice Dixon as former first lady Imelda Marcos na pinupuri din ang pagganap.
Kasama rin sa cast ang daughter ni Imelda na si Maffi Papin as herself.
Ginawa raw ang pelikula upang ipagdiwang ang ika-45 taon ni Imelda Papin sa industriya at inabot ng isang taon ang paggawa nito dahil sa matinding researches na .
Ayon naman kay Claudine na dalang-dalang sa pagganap sa sikat na mang-aawit at pulitiko.
“Ang galing ng istorya niya e. Grabe ang loyalty niya talaga. Makikita mo rin na maaawa ka talaga sa mga Marcos.
“Sabi ko kay direk Gabby Ramos, I need to spend time with Imelda. Gustung-gusto ko siyang gayahin na siyang-siya talaga.”
Samantala sa buwang ito, marami pang naka-line up na special screening tulad sa Resorts World sa December 16, sa La Union sa December 17, sa SM Naga City sa December 23, sa Samar sa December 26 at sa Bohol sa December 28.
Ayon kay Tita Aster Amoyo, inaayos na rin nila ang screening sa Japan and hopefully sa Hawaii, na kung saan hinihintay ito na mapanood ng ating mga kababayan.
kailangan para sa movie.
Ayon pa kay Imelda marami nang nagri-request ng screening for 2024, meron na raw Hong Kong, Macau, Las Vegas, San Diego at iba pang lulugar.
Ang pinaka-mensahe raw ng pelikulang ito ay pagkakaisa. “Pagmamahal, pagkakaisa at siyempre yakapan ng bawat Pilipino. Ipinakita ko sa pelikulang ito na kung may kaibigan ka na nasa ibaba, iaangat at tutulungan natin,” pagtatapos pa ni Imelda na kinilala ring Jukebox Queen ng Pilipinas.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Ads February 11, 2021

  • PBBM dadalo sa APEC Summit sa US

    DADALO sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders meeting sa Estados Unidos sa ­Nobyembre 2023 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Ito ang kinumpirma ni Philippine ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.     “President Marcos will be coming in November for the APEC meeting in the West Coast. I am confirming that […]

  • Checkpoint tinakbuhan, rider arestado sa Malabon

    BINITBIT sa selda ang 25-anyos na rider matapos takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita nang parahin siya dahil walang suot ng helmet sa Malabon City.     Tumagal din ng ilang minuto ang habulan sa pagitan ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 at ng rider na si alyas Jay-ar, residente […]