Pagmamahal ng aktor walang hanggan at katapusan: KATHRYN, pinasalamatan si DANIEL sa ’11 beautiful years’
- Published on December 2, 2023
- by @peoplesbalita
PAGKATAPOS ng ilang buwan na pinag-uusapan na nagkahiwalay na ang minamahal na loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nakumpirma na nga ito noong November 30.
Pareho na ngang nagsalita sina Kath at DJ at inaming hiwalay na sila kasabay ng pakiusap na irespeto muna ang kanilang privacy.
Sa mahabang Instagram post ni Kath sinimulan niya ito ng caption na, “Chapter closed. I hope this finally helps all of us move forward.
“I won’t be entertaining questions regarding this anymore. Thank you for understanding. “
“I’ve been in showbiz for almost 21 years now, 12 years as the one-half of Kathniel, and 11 years as someone who loved Deej even behind the camera.
” I didn’t grow up in this industry constantly being controlled and dictated on. I was lucky to have had the best guidance and support system when I started my career and I’ve continuously worked hard to earn people’s trust,” Say niya.
“But since I became an adult, I took it upon myself to take charge of my own life — the projects I work on, the way I dress, the people I surround myself with. I’ve always tried to be my own person. I was encouraged to think for myself and decide for myself. Even when it comes to love. Especially when it comes to love. “
“I promised to never lose myself in this industry, so I’ve always been as authentic to you as I can be. I know what many of you are thinking right now. I’m well aware of the rumors and speculations going around, and as hard as it is to put everything into words, I want you to hear it straight from me: It’s true that Deej and I have decided to part ways,” pagpapatuloy pa ng actress.
Aware naman siya sa mga chikang kumakalat tungkol sa pagtatapos ng relasyon ni Daniel.
“What Deej and I had was real. It was never for show. We were together not because of the cameras, not because of the fans, not because of the money that comes with a successful love team. We were genuinely in love.
“We grew up together, dreamed together, and saw many of those dreams become a reality—still together,” sey pa ni Kathryn.
“That’s almost half of my life that I would never regret and would never trade for anything in the world. These are 11 years that brought me joy, adventure, and the feeling of being home.”
Dagdag pa niya, ” He was my first boyfriend. He was my comfort zone. He was my person. I will always have love for him,”
Inalala din ni Kath ang kanilang mga fans,
“Kathniels, we know you are hurting, and trust me, this also hurts us both more than you can imagine. The last thing we want is for this family to break apart with everyone taking sides –please don’t,” Say niya.
Magpasalamat din si Kath kay Daniel sa “11 beautiful years”.
“Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will forever cherish. I will always be grateful for you,” pagtatapos niya.
Sa post naman ni Daniel, nagpasalamat din siya kay Kath at sa kanilang fans.
“Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito. Isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahalin ka. At mahalin mo,” Simula ng Instagram post niya.
“Ang mga alaala natin ay lagi kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw. ”
Dagdag pa ni DJ, “thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing me during my lows.
“Our lives may drift away, but our love will still ride that tide. ”
Mensahe naman niya sa mga fans na labis na naapektuhan…
“Kathniels, maraming salamat sa pagmamahal ninyo. Maraming salamat sa napakagandang pinagsamahan natin. Hinding hindi namin ipagpapalit at hindi makukumpara kahit anong pang gawing nila. Hinding hindi nila pwedeng sirain ‘yun. This is beyond show business. Pamilya kayo at mga kaibigan. Magiging mahirap pero kailangan natin yakapin ang kinabukasan,” sabi pa niya.
“I pray for use to grow, and heal,” dagdag pa niya.
Huling mensahe pa niya para kay Kath,
“Bal, ang pag mamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan.”
(ROHN ROMULO)
-
International Olympic Committee chief, tiwalang marami pa ring manonood sa Tokyo Olympics
Naniniwala si International Olympic Committee chief Thomas Bach na mayroon pa rin mga audience na manonood sa Tokyo Olympics. Sa kaniyang pakikipagpulong kay Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, may mga ipapatupad silang mga paghihigpit para hind magkaroon ng hawaan ng COVID-19. Dahil sa nasabing gagawing paghihigpit ay asahan na ang pagkakaroon ng mga […]
-
‘Leon’ , may tsansang maging Super Typhoon
MALAKI ang tsansa na maging isang Super Typhoon ang bagyong Leon sa panahon na ito ay papalapit sa Batanes. Ito ay batay sa weather outlook ng PAGASA kaugnay ng galaw ng naturang bagyo. Ayon sa PAGASA, si Leon ay lalakas habang ito ay daraan sa Philippine Sea at maaabot ang Typhoon Category sa […]
-
Wish na malampasan ng ‘Batang Quiapo’ ang huling serye: COCO, inamin na mahirap talaga siyang katrabaho
SIMULA sa Lunes, Pebrero 13, magbabalik na ang Hari ng Primetime na si Coco Martin para bigyang-buhay ang isa na namang dekalibreng obra ni Fernando Poe Jr. na “FPJ’s Batang Quiapo.” Pagkatapos ng makasaysayang seven-year run bilang Cardo Dalisay sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” muling sasabak si Coco sa mga makapigil-hiningang bakbakan bilang ang matapang at […]