• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGMAMAHAL SA MAGULANG, SUSI SA PAGKAKAROON NG MAGINHAWANG BUHAY

MAHALIN, IGALANG AT ALAGAAN ANG IYONG MGA MAGULANG KUNG NAIS MONG GUMINHAWA AT LUMAWIG ANG BUHAY!

 

Iyan ang pangako ng Diyos na mababasa sa aklat ng Mga Taga-Efeso 6:1-3

 

Sabi nga ng ilan, maging maramot ka na sa iba, huwag lang sa iyong magulang.

 

Isa iyan sa hiwaga ng buhay. Kapag minahal mo ang iyong magulang, tiyak na giginhawa ang iyong buhay!

 

Napatunayan ko ang pangakong iyan sa Bibliya sa katauhan ng isa kong kaibigan. Isa na ngayon siyang matagumpay na businesswoman. Noong panahon na walang may gusto sa kaniyang mga kapatid na alagaan ang kanilang tatay na may malubhang sakit, buong puso niyang inako ang responsibilidad na alagaan ito. Kahit abala siya sa trabaho ay nagagawa niyang asikasuhin at ibigay ang mga pangangailangan ng kaniyang ama. May punto pa nga na pati love life ay isinakripisyo niya alang-alang sa kaniyang tatay na maysakit. Pero makikita sa pamumuhay niya na siya ay maginhawa. Lahat ng pasukin niyang negosyo ay nagiging matagumpay. Parang ipinu-provide ng langit ang lahat ng kaniyang pangangailangan para matustusan ang mahal na gamot ng kaniyang tatay. Iginugol ng kaibigan kong ito ang malaking bahagi ng kaniyang panahon sa pag-aalaga sa kaniyang ama. Katuwiran niya, hindi ito naging pabayang ama sa kanila. Inaruga niya ang kaniyang ama hanggang sa huling sandali ng buhay nito. At bilang gantimpala, naging matagumpay na negosyante ang aking kaibigan. At hindi lamang iyon, biniyayaan siya ng napakabait at responsableng asawa at masayang pamilya.

 

Kabaliktaran naman ito ng isa kong kakilala na napaka-sutil na anak. Barumbado ito at kung makasagot at parang hindi magulang ang kausap. Pinagdadamutan rin nito ang kaniyang magulang. Katuwiran niya ay may pamilya na siya kaya hindi niya obligasyon na magbigay sa kaniyang magulang. Siguro ay sunud-sunuran rin sa asawa. Pero kumusta ang buhay niya? Tila ang ilap sa kanila ng suwerte. Magkaroon man siya, pero hanggang doon lang. Sapat lang. At madalas ay kulang. Minalas rin siya sa kaniyang napangasawa.

 

Sa dalawang sitwasyon na aking nabanggit, malinaw na makikita ang kaganapan ng pangako sa Bibliya.

 

Mahalin mo ang iyong magulang, at ikaw ay giginhawa sa buhay.

 

Naging maginhawa ang buhay ng kaibigan kong negosyante dahil naging mabait siya sa kaniyang magulang. Sinuklian ng good karma ang kabutihan niyang ipinakita sa kaniyang amang maysakit. Kabalintunan sa isa kong kakilala na hanggang ngayon ay hirap sa buhay dahil walang pagmamahal sa kaniyang magulang.

 

Ang hamon, madali lang sabihin na maging mabuting anak, pero mahirap gawin. May mga pagkakataon na talagang makakasagot tayo sa ating mga magulang, lalo na kung ang ating magulang ay immature. Sa ganitong sitwasyon, alalahanin na lang natin na ang ating mga magulang ay naging bata rin at may mga unresolved issues sa kanilang kabataan na nadala nila hanggang sa kanilang pagtanda. Sadyang may mga magulang na masasabi nating “hilaw pa” para maging isang magulang. Ang hamon ay nasa atin bilang mga anak. Kahit gaano pa kasama o ka-iresponsable ang ating magulang, OBLIGASYON AT TUNGKULIN NATIN NA SILA AY IGALANG.

 

Kapag ako ay nagagalit sa aking magulang, humihinga ako ng malalim o kaya ay kinakagat-kagat ko ang aking dila para mapigilan ko ang sarili ko na makasagot ng pabalang. Kahit minsan ay nasa katuwiran ako, hindi ko pinipilit ang pananaw ko. Hinahayaan ko na lang aking magulang sa kaniyang mga sinasabi. Katuwiran ko, wala namang mawawala sa akin kung manahimik ako. Mas malaki ang mawawala sa akin kung hahayaan ko ang sarili ko na bastusin ko ang aking magulang. Hindi ako perpektong anak, pero isa lang sinisigurado ko—hindi ako sumasagot ng pabalang. Hindi ko rin pinagdadamutan ang aking mga magulang. Hangga’t kaya ko ay ibibigay ko sa kanila. At naniniwala ako na isa iyon sa dahilan kaya maginhawa ang aking buhay. Dahil hindi ako naging barumbadong anak.

 

Tayo ang kabuuan ng ating mga magulang. Tayo ang totality ng genes, DNA at chromosomes ng ating tatay at nanay. Kung binabastos natin at pinawawalang halaga ang ating mga magulang, para na rin nating winawalang hiya ang ating sarili.

 

Kaya laging alalahananin ang pangako sa biblya: MAHALIN, IGALANG AT ALAGAAN ANG IYONG MGA MAGULANG KUNG NAIS MONG GUMINHAWA AT LUMAWIG ANG BUHAY! (REY DELEON)

Other News
  • Vice Mayor ng Aparri, Cagayan at 5 pa todas sa ambush

    PATAY ang Vice Ma­yor ng Aparri, Ca­gayan at lima pang kasama nito nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na naka-uniporme ng PNP, ang kanilang sinasak­yang van kahapon ng umaga sa Bagabag, Nueva Vizcaya.     Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Vice Mayor Rommel Alameda, 49, ng Aparri, Cagayan; Ale­xander Agustin Delos […]

  • 73 matatandang inabandona ng kanilang pamilya sa Valenzuela, bakunado na

    INIHAYAG ni Mayor Rex Gatchalian na nabigyan na ng kanilang unang dose ng CoronaVac kontra COVID-19 ang nasa 73 matatandang inabandona ng kanilang mga pamilya sa lansangan ng lungsod.     “Remember the 73 senior citizens who were abandoned by their families and now live in ‘Bahay Kalinga,’ it’s their turn to be vaccinated,” ani […]

  • Plano ni Sec. Roque sa politika, nakasalalay sa population protection

    KAILANGAN na makamit muna ng bansa ang population protection bago pa magdesisyon si Presidential Spokesperson Harry Roque kung ano talaga ang kanyang plano sa pulitika.   Nakasama kasi ang pangalan ni Sec. Roque sa senatorial lineup ng ruling party para sa 2022 national elections na isinasapinal na ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   “So, […]