• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpalo sa 200% growth rate ng COVID-19 cases, pinagbatayan ng quarantine classification

ANG pagpalo sa 200% growth rate ng COVID-19 cases sa Metro Manila, ay kabilang sa dahilan kung bakit may ilang lugar ang isinailalim sa quarantine classification.

 

Sinabi ni presidential spokes- person Harry Roque na ang growth rate at average daily attack rate ay ang mga factors na kinunsidera ng pamahalaan para sa quarantine classifications.

 

“Kinukumpara ‘yung figures every two weeks. ‘Yung daily attack rate po, ilan ang nagkaroon per 100,000. At ‘yung growth rate, gaano kabilis nag-doble din ‘yung mga kaso,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Mataas pa. Ibig sabihin po niyan, medyo ang ating (Metro Manila) growth rate ay nasa high,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Aniya, ang growth rate na pumalo sa mahigit 200% ay kinukunsiderang mataas; ang less than 200% ay “moderate,” habang ang 0% ay mababa.

 

Aniya, ang growth rate at average daily attack rate sa Metro Manila ay nasa moderate level.

 

Kagabi sa public address ng Pangulo ay inanunsyo nito na mananatili ang Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

 

Maliban sa MM, ang Batangas, Tacloban, Iloilo, Bacolod, at Iligan ay nasa ilalim din ng GCQ.

 

“Kung ang average daily attack rate ay less than 1 pero ang growth rate ay 200%, magiging GCQ ‘yan. Kung ang average daily attack rate ay less than 1 at nasa 0 to 200% ang growth rate, ‘yan ay MGCQ,” paliwanag ni Sec. Roque.

 

“Kung wala talagang kaso, ‘yan po ay minimal o ‘yung tinatawag na new normal,” aniya pa rin.

 

Samantala, hinikayat ng Metro Manila mayors at eksperto mula sa University of the Philippines- OCTA Research team ang ekstensyon ng GCQ sa buong capital region upang mapanatili ang positibong natamo ng pamahalaan laban sa COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • Dingdong, muling ni-reveal ang ‘gift for music’ ni Zia

    PINASILIP ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang IG post noong October 1 ang evening routine nila ni Zia.   Muling ni-reveal ni Dingdong ang ‘gift for music’ ni Zia nang kantahin nito at i-strum sa gitara ang 1961 hit ni Ben E. King na “Stand By Me.”   Post ng lead star ng […]

  • ‘John Wick: Chapter 4’ Trailer Teases A Fight Between Keanu Reeves And Donnie Yen!

    THE official trailer for the upcoming action flick John Wick: Chapter 4 is here!     Keanu Reeves is back in action as the feared assassin John Wick, who has found a way to freedom and must defeat all sorts of enemies from around the globe in his mission to take down the High Table. […]

  • P750 nationwide minimum wage hike, inihirit

    INIHAIN sa Kamara ang P750 daily wage increase sa lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.     Sa ilalim ng House Bill 7568 ng Makabayan bloc solons na sina House Deputy Minority Leader France Castro, House Assistant Minority Leader Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, sakop din ng panukala […]