• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGPAPABAKUNA SA MAYNILA, TIGIL MUNA

KINUMPIRMA  ni Cesar Chavez, Chief of Staff ni Domagoso na tulad sa Taguig City ay hinihintay din ng City of Manila ang Certificate of Analysis na ilalabas ng Department of Health mula sa manufacturer ng bakuna upang muling makapagpatuloy pagbabakuna sa lungsod.

 

 

Nito lamang June 24 ay dumating ang 400,000 doses ng Sinovac mula sa China ngunit pansamantalang nasuspindi ang vaccination dahil sa kakulangan pa ng dokumento para pagpapatuloy ng bakunahan.

 

 

Huling mass vaccination sa Maynila ay noong June 26 at hanggan ngayon ay wala pang bagong iskedyul ng bakunahan sa mga vaccination sites.

 

 

Agad naman umanong sismulan muli ang pagbabakuna sa sandaling mairelease na ng DOH ang COA ng Sinovac.

 

 

Samantala,wala ring isasagawa na  second dose vaccination para sa mga  indibidwal  na una nang nabakunahan gamit ang Sputnik V vaccine dahil wala pang suplay mula sa pambansang gobyerno.

 

 

Umabot na sa 440,155 indibidwal ang nakatanggao na ng kanilang first dose ng bakuna laban sa COVID-19.

 

 

Habang nasa 158,260 naman ang fully vaccinated o mga nakakumpleto na ng kanilang bakuna.

 

 

Ang bilang na ito ayon sa Manila Public Information Office ay mula sa bilang ng nakatanggap na ng first dose.

 

 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, kabilang sa mga naturokan ang mga health workers, senior citizens, persons with comorbidities, essential workers at indigent persons o mga kabilang sa  priority groups na A1 hanggang A5.

 

 

Patuloy naman aniya ang pagbabakuna sa Maynila upang maabor ng target na population protection. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Inanunsyo ng mga top US officials … US magbibigay ng $500-M sa PH para sa AFP modernization program at PCG

    INANUNSIYO ng mga top US officials na ang Washington DC ay maglalaan ng tulong na nagkakahalaga ng USD500 milyon (humigit-kumulang PHP29.3 bilyon) para tumulong sa kasalukuyang programa ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine Coast Guard (PCG).       Ginawa nina US Secretary of State Antony Blinken at Department […]

  • Presyo ng tinapay posibleng tumaas sa mga susunod na linggo

    POSIBLENG sa mga susunod na mga linggo magkakaroon na ng mga paggalaw sa presyo ng mga tinapay.     Ayon kay Luisito Chavez ang director ng Assosasyon ng Panaderong Pilipino, na ito ay dahil sa ilang paggalaw din sa presyo ng mga sangkap na paggawa ng mga tinapay.     Isa sa tinukoy nito ay […]

  • Labi ni ex-Mayor Rose Furigay dumating na sa Lamitan City, Basilan

    DUMATING  na sa Lamitan City, Basilan bandang alas-8:15 kahapon ng umaga ang labi ni dating Mayor Rose Furigay.     Eksakto isang linggo ngayon nang binaril-patay ang dating alkalde kasama ang kaniyang executive assistant na si Victor Capistrano sa loob mismo ng Ateneo de Manila University.     Bukod sa dating alkalde patay din ang […]