Pagpapakawala ng tubig ng dams dapat kontrolin ng NDRRMC – Año
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
Ipinanukala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na dapat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na lamang ang kailangang magdesisyon sa pag-aapruba sa mga dam kung dapat ba ang mga itong magpakawala ng tubig sa panahon ng kalamidad.
Ito ang siyang sinabi ng kalihim sa isang panayam sa kanya ng mga mamamahayag upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga biglaang pagbaha kapag may mga malalakas na bagyong mananalasa sa bansa.
Aniya, sa kasalukuyan ang mga operators ng dam ay may kaniya-kanyang protocols sa pagpapakawala ng tubig sa kanilang mga ‘reservoirs’.
“We will propose na in times of calamities and typhoons, dapat may nagko-control diyan sino, kailan bubuksan ang dam. Kasi kailangan before the bagyo, puwede na tayo magbukas. lalo na kung mayroon tayong forecast kung gaano kalaki ‘yung ulan na darating. I will propose na pag-usapan sa NDRRMC sa time of calamity at typhoon, ang NDRRMC ang magbibigay ng approval kung kailan magbukas, ilang gate para controlled natin,” lahad ni Año.
Matatandaan na ilang opisyal ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila at mga karatig lalawigan na isinisi ang mataas na pagbaha sa kanilang lugar ay bunsod na rin sa papakawala ng tubig sa panahon ng bagyo.
“Talagang parang ang lupa talagang na-saturate ng tubig. Nadagdagan pa ng pagpapalabas ng tubig sa dam. Anim na dam ang nagbukas ng tubig at ito ay nakadagdag sa pagbaha,” paliwanag pa ng opisyal.
Binigyang diin ni Año na ang kaniyang panukala na sa pagtatalaga sa ‘single authority’ para siyang mag-apruba sa pagbubukas ng gate ng mga dam ay makakatulong upang maiwasan ang biglaang pagbaha sa panahon ng mga kalamidad.
“In normal times they follow their protocols but during typhoons, there must be someone managing the opening of the dams in order to control the flow of water that would affect the LGUs and induce flooding,” giit ng kalihim.
Idinagdag pa ng DILG chief, na kanilang iimbitahan ang Magat Dam authorities sa susunod nilang pagpupulong ng NDRRMC upang talakyin ang nasabing panukala.
-
519.93 metric tons ng mga coins pinaretiro na ng Bangko Sentral ng Pilipinas
INIULAT ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) tuluyan na nilang pinaretiro ang nasa 519.93 metric tons ng mga coins. Ibig sabihin nito ‘yong mga pera o coin na hindi na magagamit dahil sa demonetized, o kaya may sira-sira na. Tinatawag naman itong defacement process na sinimulan noong October 2021 hanggang […]
-
Ads June 16, 2021
-
ICU beds sa NCR ‘high risk’
Nasa “high risk” na ang occupancy rate ng intensive care unit (ICU) beds sa National Capital Region dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19. Sa datos ng Department of Health (DOH), hanggang nitong Abril 18, ang ICU utilization rate sa Metro Manila ay nasa 84% na; 73% sa Cordillera […]