• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapakawala ng tubig ng dams dapat kontrolin ng NDRRMC – Año

Ipinanukala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na dapat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na lamang ang kailangang magdesisyon sa pag-aapruba sa mga dam kung dapat ba ang mga itong magpakawala ng tubig sa panahon ng kalamidad.

Ito ang siyang sinabi ng kalihim sa isang panayam sa kanya ng mga mamamahayag  upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga biglaang pagbaha kapag may mga malalakas na bagyong mananalasa sa bansa.

Aniya, sa kasalukuyan ang mga operators ng dam ay may kaniya-kanyang protocols sa pagpapakawala ng tubig sa kanilang mga ‘reservoirs’.

“We will propose na in times of calamities and typhoons, dapat may nagko-control diyan sino, kailan bubuksan ang dam. Kasi kailangan before the bagyo, puwede na tayo magbukas. lalo na kung mayroon tayong forecast kung gaano kalaki ‘yung ulan na darating. I will propose na pag-usapan sa NDRRMC sa time of calamity at typhoon, ang NDRRMC ang magbibigay ng approval kung kailan magbukas, ilang gate para controlled natin,” lahad ni Año.

Matatandaan na ilang opisyal ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila at mga karatig lalawigan na  isinisi ang mataas na pagbaha sa kanilang lugar ay bunsod na rin sa papakawala ng tubig sa panahon ng bagyo.

“Talagang parang ang lupa talagang na-saturate ng tubig. Nadagdagan pa ng pagpapalabas ng tubig sa dam. Anim na dam ang nagbukas ng tubig at ito ay nakadagdag sa pagbaha,” paliwanag pa ng opisyal.

Binigyang diin ni Año na ang kaniyang panukala na sa pagtatalaga sa  ‘single authority’ para siyang mag-apruba  sa pagbubukas ng gate ng mga dam ay makakatulong upang maiwasan ang biglaang pagbaha sa panahon ng mga kalamidad.

“In normal times they follow their protocols but during typhoons, there must be someone managing the opening of the dams in order to control the flow of water that would affect the LGUs and induce flooding,” giit ng kalihim.

Idinagdag pa ng DILG chief, na kanilang iimbitahan ang  Magat Dam authorities  sa susunod nilang pagpupulong ng NDRRMC upang talakyin ang nasabing panukala.

Other News
  • EO para sa paglikha ng Inter-Agency Body na titingin sa labor cases, oks kay PBBM

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang  executive order (EO) na lilikha sa  isang inter-agency committee para palakasin ang koordinasyon at padaliin ang  resolusyon ng labor cases  sa bansa.  Nauna rito, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 23, araw ng Linggo,  na naglalayon din na palakasin at protektahan ang freedom […]

  • John 3:16

    God gave his only son.

  • Anak ni DOJ Sec. Remulla nasa kustodiya ng PDEA matapos pormal na sampahan ng kaso

    NASAMPAHAN  na ng kaukulang kaso ang panganay na anak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na si Juanito Jose Diaz Remulla III.     Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Dir. Derrick Carreon, nakasuhan na si Remulla ng paglabag sa Section 4 o importation of dangerous drugs sa ilalim […]