Pagpapalawig sa libreng Sakay extension sa EDSA buses, LRT-2 trains sa Metro Manila, muling ipinanawagan
- Published on November 16, 2022
- by @peoplesbalita
IKINAGALAK ni CamSur Rep. LRay Villafuerte ang desisyon ng palasyo na palawigin pa hanggang Disyembre ngayon taon ang free bus ride program nito sa EDSA.
Gayunman, umapela ang mambabatas sa dalawang kapulungan ng kongreso na mag-realign ng pondo sa General Appropriations Act (GAA) upang makapaglaan ang pamahalaan ng pondo upang mapalawig pa hanggang sa susunod na taon ang Libreng Sakay program.
Umaasa itong maisasama rin sa ilalaang pondo para sa Libreng Sakay sa mga estudyante sa LRT-2 (Light Rail Transit Line 2) na magtatapos din ngayong taon.
Sinabi ng mambabatas na dala na rin sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin kasama ay makakabuti sana na magpatuloy ang pagbibigay ng libreng sakay hanggang 2023.
Maaari pa aniyang magawa ang realignment habang dinidinig pa ng Senado ang panukalang 2023 GAA bago ito maaprubahan at maipasa sa Malakanyang ngayong Christmas break sa Disyembre 17.
Naglalabas ang gobyerno ng P10M-P12M kada araw para sa bus companies na nagbibigay ng libreng sakay sa may 300,000 pasahero araw-araw.
Una ring inihayag ng DOTr na ang libreng sakay sa bus ay magiging 24/7 mula Disyembre15 hanggang Disyembre 31, na siyang huling mga araw ng transport subsidy program matapos mabigo ang ahensiya makakuha ng pondo para magpatuloy ito hanggang 2023.
Sa kasalukuyan, ang libreng sakay ay limitado lamang mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-11 ng gabi habang ang mga pasahero na sasakay sa labas ng nasabing oras ay magbabayad ng P13 sa unang 5 kilometers (km) at dagdag na P2.20 sa bawat susunod na kilometro. (Ara Romero)
-
ONE Championship magpapamigay ng $50-K bonuses sa mga fighter na may magandang performance
MAGBIBIGAY ng dagdag na $50,000 fight bonuses ang ONE Championship sa mga fighters nito na magtatala ng magandang performance sa bawat laban nito. Sinabi ni ONE Championship CEO Chatri Sityodtong na ang nasabing bonus ay magsisilbing incentives sa mga MMA fighters na gagawin ang lahat para matapos ang laban. Noon pa […]
-
Higit 5 milyong Pinoy bakunado na
Naitala na sa 5,120,023 ang kabuuang Pilipino na nabibigay ng COVID-19 vaccines sa iba’t ibang vaccination centers sa bansa, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. kahapon. Sa naturang bilang, nasa 1,189,353 ang nakakumpleto na ikalawang dose ng bakuna o ‘fully-vaccinated’ na. Kabilang dito ang 1.4 milyon o 93 porsyento ng […]
-
Juico, Cruz suspendido vs MPBL game fixing
SINUSPINDE ang dalawang manlalaro ng Pampanga Giant Lanterns na sina Michael Juico at Mark Cruz matapos madawit sa alegasyong game-fixing kontra San Juan Knights sa North Division finals. Sa nilabas na memo ng pamunuan ng MPBL na pirmado ni Commissioner Kenneth Duremdes ay hinirit sa NBI na imbestigahan ang kaso ng dalawa na nasangkot […]