Pagpapaliban ng Barangay, SK elections, isinulong
- Published on July 16, 2022
- by @peoplesbalita
ISINULONG ng isang bagitong mambabatas ang pagpapaliban ng eleksyon ngayong Disyembre para sa Barangay at Sangguniang Kabataan.
Paliwanag ni Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario na ito ay upang mabigyan pa ng panahon ang mga Pinoy at bansa na maka-recover mula sa impact ng COVID-19 pandemic, maging ng katatapos na national at local elections.
Sa House Bill 1367, isinusulong na ipagpaliban ang nakatakdang halalan ngayong December 2022 sa October 9, 2023.
Ayon pa sa mambabatas, gagastos ang gobyerno para sa dalawang eleksyon ng nasa P10 bilyon na magagamit para mapanatili ang kaligtasan ng publiko at makatulong na makabangon ang ekonomiya.
“Replacing these barangay and SK officials with a new set at this time, when the country is still trying to get back on its feet, will be counterproductive,” anang kongresista.
Nakasaad pa sa panukala na ang lahat ng incumbent officials ay mananatili sa kanilang tanggapan, maliban lang kung matataangal o masususpinde sa kanilang tungkulin.
Naniniwala pa ito na ang pagpapaliban sa eleksyon ay makakabigbay panahon para “gamutin ang sugat” dulot ng May 2022 elections. (Ara Romero)
-
Mahigit 350K residente sa Amerika, nawalan ng suplay sa kuryente dahil sa winter storm
PATULOY na hinahagupit ng “massive winter storm” ang Amerika na na nag-iiwan ng higit sa 350,000 katao ang apektado. Kasalukuyang naranasan ngayon sa Arkansas at Tennessee; Illinois at Ohio; Kentucky at West Virginia ang makapal na snow, freezing rain at nagye-yelo na paligid dahilan upang nawalan sila ng suplay ng kuryente. […]
-
Ads November 9, 2021
-
Unvaccinated vs COVID-19 puwede pa ring bumiyahe pero bawal sa pampublikong transportasyon – DOTr exec
NILINAW ng Department of Transportation (DOTr) na walang direktiba silang inilalabas na pumipigil sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 na bumiyahe. Ayon kay DOTr Undersecretary for Legal Affairs Reinier Paul Yebra, maari pa rin namang makabiyahe ang mga unvaccinated persons gamit ang ibang pamamaraan. Sa mga pampublikong transportasyon lamang kasi […]