• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapasinaya sa Bicol International Airport, pinangunahan ni PDu30

Sa kanyang naging talumpati, sinabi ng Pangulo na masaya siya na naging bahagi at kasama sa inagurasyon ngayon ni Pangulong Rodrgo Roa Duterte ang pagpapasinaya sa Bicol International Airport sa Brgy. Alobo, Daraga, Albay.

 

Ang pagkumpleto aniya ng world-class state ng gov’t infrastructure project ay nagbigay sa pamahalaan ng karangalan at kasiyahan dahil makapagbibigay ito ng mas maayos na transportasyon para sa mga Filipino na magbibyahe patungo at mula sa Bicol region.

 

“I congratulate the DOTR as well, its local officials and project partners including the Civil Aviation Authority of the Philippines for turning the Bicol International Airport into a reality after an 11-year delay,” ayon sa Pangulo.

 

“Indeed, today’s inauguration is another milestone in the admin’s Build, Build. Build program. We are fulfilling our mission of improving the lives of Filipinos by providing quality infrastructure projects that allow greater connectivity and mobility, create more jobs, and boost economic activity in other regions,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang paliparan aniyang ito na tinaguriang “most scenic gateway” sa bansa ay may pangakong makapagbibigay ng “unforgettable travel experience” hindi lamang sa mga bisita kundi mismo sa maraming mga Bicolanos.

 

Sa pagkakataong ito ayon sa Pangulo, hinikayat niya ang management at staff ng Bicol International Airport na tiyakin na ang lahat ng mga pasahero ay makakakuha ng “best, quality of service” na deserve ng mga ito.

 

Samantala, kumpiyansa naman si Pangulong Duterte na sa oras na fully operational, ang airport ay makapagsisilbi sa pangangailagan ng 2 milyong pasahero kada taon at makapagbigay ng “efficiency, reliability and safety standards” upang masiguro ang modern airport.

 

“Let us look forward for a stronger and more vibrant future of the entire Bicol region and its surrounding provinces. Mabuhay at congratulations para sa inyo,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • AMBS at ABS-CBN, nagkapirmahan na: Tumatak na Kapamilya serye nasa ALLTV na bukod sa ‘TV Patrol’

    INANUNSIYO na ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at ABS-CBN Corporation ang kanilang partnership na maghahatid ng mga minahal na entertainment program at makabuluhang balita sa mga manonood sa pamamagitan ng free-to-air channel na ALLTV.   Ginanap ang contract signing ceremony sa Brittany Hotel Villar City para sa content agreements na magbibiday-daan sa ALLTV na […]

  • P500 monthly ‘ayuda’ , iro-roll out bago matapos ang termino ni PDu30

    TARGET ng gobyerno na  i-rollout ang ipalalabas na P500 monthly cash aid  para sa mga low income families  bago matapos ang termino ni Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte ngayong buwan.     Sa isang panayam, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD)  spokesperson Director Irene Dumlao na nagpalabas ng  joint memorandum circular  ang Department […]

  • Placement fee sa OFWs, pinatitigil

    PINATITIGIL  ng mga senador ang pangongolekta ng placement fee mula sa mga Filipino na nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa.     Ayon kay Senate Majority leader Joel Villanueva, dapat pairalin na sa lahat ng OFWs ang patakaran ng Japan na ‘no charging of placement fee’.     Paliwanag pa ni Villanueva, sa ilalim ng […]