• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapatuloy ng visa-on-arrival scheme, hinirit para sa mga Chinese nationals

SUPORTADO ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang pagpapatuloy ng visa-on-arrival scheme para sa mga Chinese nationals.

 

 

Tinukoy ang potensiyal na paghikayat  para mamuhunan sa bansa, ayon kay ARTA Director General Ernesto V. Perez sa sidelines ng isang  forum na inorganisa ng German-Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Makati City.

 

 

Sa ulat, pinalutang ng Arta ang panukala matapos na makatanggap ang ahensiya ng reklamo mula sa  Chinese Embassy.

 

 

“If we want to encourage investment, we should make it easier for (investors) to come in,” ayon kay Perez.

 

 

We recently received a complaint from the Chinese Embassy that before you can come here … you have to apply with our consular offices. It takes three or four months to get even an appointment,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nais naman ng ARTA na makipagpulong sa Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration hinggil sa nasabing usapin.

 

 

“How can investors come in when we make it difficult for them to come in and to even acquire a visa? That is one thing that ARTA is also looking into,” ayon kay Perez.

 

 

Samantala, ang  visa-on-arrival program  ay nagsimula noong 2017 na  pinahintulutan ni dating Justice Secretary Vitaliano N. Aguirre.

 

 

Isang circular  ang ipinalabas matapos konsultahin ang Tourism department, dinisenyo ito para i-promote ang turismo.

 

 

Sinuspinde naman ng gobyerno ang  visa-on-arrival privileges noong Enero 2020 kasunod ng outbreak  ng  coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. (Daris Jose)

Other News
  • Inulit ang apela ni PDu30: Bong Go, nanawagan sa mga eligible Filipino na magpa-booster shots laban sa COVID-19

    INULIT ni Senador Christopher “Bong” Go ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga eligible Filipino na magpa- booster shots bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.     Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi, pinayuhan ng Chief Executive ang kuwalipikadong pinoy na magpa-booster shot na.     Ito’y dahil […]

  • Ekonomiya ng Pinas, “performed well” ngayong taon ng 2023 — NEDA

    IPINAGMALAKI ng Malakanyang na nagpakitang-gilas ang ekonomiya ng PIlipinas ngayong taon sa gitna ng mga hamon na nararanasan ng bansa.           Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan na ang Pilipinas ay isa sa “best performing economies” sa Southeast Asian economies.           […]

  • PDu30, nananatiling committed na tapusin ang ‘abusive’ work scheme

    NANANATILING masigasig at committed si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tapusin ang “abusive” o mapang-abuso na work arrangements sa bansa.     Ito’y matapos na magpahayag ng pagkadismaya si vice presidential aspirant Senate President Vicente Sotto III sa sinasabing pagkabigo ni Pangulong Duterte na tuparin ang kanyang pangako na itigil ang “unfair contractualization practices” makaraang […]