• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapatupad na hakbangin ng MMDA para maibsan ang trapik sa EDSA

HUMIRIT ang Malakanyang at hiningi ang kooperasyon ng publiko sa mga ginagawang hakbangin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang masolusyunan ang problema ng trapik sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (Edsa).

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na magreklamo ang ilang motorista sa ginawang pagsasara ng MMDA sa mga U-turn slot sa Edsa na nagresulta sa napakahabang trapik at  pagtaas ng konsumo ng gasolina o krudo ng mga sasakyan.

 

Kaya ang pakiusap ni Sec. Roque ay bigyan muna ng pagkakataong masubukan ang mga pagbabagong ipinatutupad ng MMDA sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

 

Kung hindi naman kasi ito gagana ay siguradong  ititigil  ng MMDA ang implementasyon nito.

 

Sa kasalukuyan, nakasisiguro si  Sec. Roque na nagsasagawa pa ng pag-aaral ang ahensya hinggil sa naging desisyon nitong isara ang mga U-turn slot sa EDSA. (Daris Jose)

Other News
  • Pagdinig ng HCGG panel sa ‘confi funds’ ‘in aid of legislation’ pinalawig pa

    PINALAWIG pa ang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa pagtalakay sa maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at DepEd.     Ito’y matapos nag mosyon si Congressman Romeo Acop na i-extend ang naturang hearing ‘in aid of legislation’ na agad namang naaprubahan ng […]

  • DOJ: Extradition ni Teves, maaantala pa

    INAASAHANG maaantala pa ang extradition o pagbabalik sa Pilipinas kay dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves, Jr.     Ipinaliwanag ng Department of Justice (DOJ) na kinakailangan pa kasing dumaang muli sa panibagong proceedings ang extradition case ni Teves sa Timor Leste bilang resulta ng procedural objections na isinagawa ng mga abogado nito.   Ayon […]

  • LANDBANK at LTO: ANYARE sa DELAY ng CAR PLATES

    Nanganganib na hindi pa rin ma-release ng Land Transportation Office (LTO) ang car plates ng mga rehistradong sasakyan mula 2013 to 2018 kung hindi maiaayos ang problema ng pagbabayad sa suppliers nito. Resulta diumano ito nang i-freeze ng Landbank Ortigas branch ang P180 million pesos na dapat ibayad sa OMI- JKG Philippines Inc.     […]