Pagpapatupad na hakbangin ng MMDA para maibsan ang trapik sa EDSA
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
HUMIRIT ang Malakanyang at hiningi ang kooperasyon ng publiko sa mga ginagawang hakbangin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang masolusyunan ang problema ng trapik sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (Edsa).
Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na magreklamo ang ilang motorista sa ginawang pagsasara ng MMDA sa mga U-turn slot sa Edsa na nagresulta sa napakahabang trapik at pagtaas ng konsumo ng gasolina o krudo ng mga sasakyan.
Kaya ang pakiusap ni Sec. Roque ay bigyan muna ng pagkakataong masubukan ang mga pagbabagong ipinatutupad ng MMDA sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Kung hindi naman kasi ito gagana ay siguradong ititigil ng MMDA ang implementasyon nito.
Sa kasalukuyan, nakasisiguro si Sec. Roque na nagsasagawa pa ng pag-aaral ang ahensya hinggil sa naging desisyon nitong isara ang mga U-turn slot sa EDSA. (Daris Jose)
-
Kiefer gigiya sa Gilas sa tune-up
PAMUMUNUAN ni Kiefer Ravena ang Gilas Pilipinas na sasabak laban sa South Korea sa exhibition games na idaraos sa Hunyo 17 at 18 sa Anyang Gymnasium sa Gyeonggi-do, South Korea. Kasama si Ravena sa 12-man lineup na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa friendly matches na magsisilbing preparasyon para sa […]
-
Creamline kampeon!
INILABAS ng Creamline ang lahat ng bagsik nito para mabilis na pataubin ang King Whale, 25-21, 25-19, 25-8, upang hablutin ang korona ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Naging matikas na sandalan ng Cool Smasher ang solidong depensa nito sa net at floor […]
-
Keanu Reeves Says That ‘John Wick 4’ Reveals More of the Assassin World
KEANU Reeves says that John Wick: Chapter 4 will feature a lot more world-building and epic stunts that the franchise is well-known for. The Lebanese-born actor has had the pleasure of playing the titular role in some of the most iconic action films like The Matrix, Speed and Point Break, but also delivered a series of commercial and critical failures in the post-Matrix era from the mid-2000s […]