• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapatupad ng bagong alert level system sa mga probinsiya, may konsultasyon- Sec. Roque

KINUMPIRMA  ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinunsulta ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang lahat ng rehiyon at probinsya bago pa ikinasa ang bagong alert level system sa ilang piling lugar sa bansa.

 

 

Umapela kasi ang League of Provinces in  the Philippines  sa IATF na ipagpaliban ang  implementasyon ng alert level system sa mga lalawigan dahil hindi sila nakonsulta at nabulaga na lamang sila sa biglaang pagpapatupad ng alert level system gayong kailangan pang paghandaan ito ng mga LGU.

 

 

“Lilinawin ko lang po ha: Lahat po ng mga rehiyon at mga probinsya na magpapatupad ng alert level system ay kinunsulta po ang mga LGUs,” ayon kay Sec. Roque.

 

 

“Hindi po siguro nakonsulta ang buong League of Governors kasi hindi naman po i-implement sa lahat ng probinsya ang alert level system. Pero iyong mga lugar, mga expanded pilot areas nakonsulta po sila dahil ang mga lokal na mga pamahalaan naman po ang magpapatupad nitong alert level system,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

 

Kaya pagdating  sa apela ng League of Governors ay  unang-una ay wala pang tinatalakay na apela kasi nga ang mga lugar na ipatutupad ang alert level system, lahat ay mga lokal na pamahalaan kaya’t doon nagsagawa ng  konsultasyon.

 

 

Sa ulat, balak ng League of Provinces of the Philippines na hilingin sa Inter-agency Task Force na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng ‘Alert Level System for Covid-19 response’ sa buong Pilipinas.

 

 

Ginawa ng grupo ang pahayag kasunod nang naging desisyon ng IATF na gawin sa buong bansa ang alert level system matapos umanong makita na epektibo ang pilot implementation nito sa Metro Manila.

 

 

Ayon kay League of Province President at Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr. hihilingin umano ng mga gobernador na bigyan sila ng sapat na panahon upang gumawa ng executive order.

 

 

Maliban pa dito kailangan din umanong maayos ang desiminasyon ng impormasyon at maipaliwanag sa mga tao bago ang pagpapatupad nito.

 

 

Sinabi ni Velasco na kung pagbibigyan sila ng IATF pwedeng sa November 1 na lamang ipatupad ang bagong alert level system. (Daris Jose)

Other News
  • Maraming mga Filipino adults mas pipiliin pa ang kalusugan kaysa pag-ibig – SWS survey

    MARAMING mga adult Filipino ang mas pipiliin pa ang kalusugan kaysa sa pag-ibig o pera.     Ito ang naging resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station kung saan 57 percent sa mga dito ang pumili ng kalusugan, 31 percent ang pumili ng pag-ibig habang 11 percent lamang ang namili ng pera.   […]

  • Mukhang naka-move on na sa ex-bf na si Joe Alwyn: TAYLOR SWIFT, balitang nakikipag-date na kay MATTY HEALY

    NAKA-MOVE on na raw si Taylor Swift sa pakikipaghiwalay niya sa ex-boyfriend na si Joe Alwyn.      Balita kasing nakikipag-date na ito kay Matty Healy, ang frontman ng bandang The 1975. Una pala silang nag-date noong 2013 pero wala raw namuong serious na relasyon sa kanila.     Ayon sa The Sun: “She and […]

  • MMDA, MMC magsasagawa ng malawakang pag-aaral hinggil sa posibleng bagong number coding scheme

    SANIB-PUWERSA ang Metro Manila Council (MMC) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagsasagawa ng mas malawak na pag-aaral para sa implementasyon ng bagong number coding scheme sa rehiyon.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na si Pasig Mayor Vico Sotto ang nagpanukala na pag-aralang mabuti ang […]