• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpaptupad ng solarization program, paiigtingin ng QC LGU

UPANG maibsan ang paggamit ng mga Non-Renewable Energy sa lahat ng city-owned buildings, hospitals at paaralan sa Quezon City ay palalawigin ng QC Local Government ang kanilang Solarization Program o ang paglalagay ng solar panels energy system sa lungsod.

 

 

 

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng solar energy at upang mai-promote ang climate action initiatives para sa kapakanan ng mga residente.

 

 

 

Aniya, sa ngayon ay solar powered na ang tatlong gusali ng Quezon City Hall na bahagi ng suporta ng QC-LGU sa Environmental Initiatives ng pamahalaan para sa energy conservation, kabilang sa may mga solar panel ang High-Rise Main Building, Legislative Building at Treasury Building.

 

 

 

Habang ngayong 2024, mahigit sa 1,000 solar panel ang plano ng QC-LGU na ilagay sa Rosario Maclang Bautista General Hospital, Novaliches District Hospital at Quezon City General Hospital, gayundin sa Culiat Elementary School, Culiat High School, Judge Feliciano Belmonte Sr. High School, New Era High School, at Tandang Sora Elementary School.

 

 

 

Sa nasabing programa, makatitipid kada taon ang lokal na pamahalaan ng P1.5-M sa gastusin sa kuryente at ang matitipid ay gagamitin umano sa pagmamantine at rehabilitasyon ng anim na Day Care Centers o apat na Health Care Centers.

 

 

 

Plano rin ng QC LGU at Meralco na magkaroon ng One-Stop-Shop sa City Hall upang mapabilis ang adoption ng Solar Energy at Net-Metering Applications ng mga residente. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • PBBM, tiniyak sa publiko ang tuloy-tuloy na suplay ng basic goods sa ‘KADIWA’ OUTLETS

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko  ang tuloy-tuloy na suplay ng mga produkto na itinitinda sa  “Kadiwa ng Pangulo” outlets.     Nangako kasi ang Pangulo na gagayahin niya ang inisyatiba sa iba’t ibang bahagi ng bansa  para tulungan ang mga  Filipino consumers na mabigyan ang mga ito ng mga  “affordable products.” […]

  • BINISITA at kinamusta ni Mayor John Rey Tiangco

    BINISITA at kinamusta ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang ibang pang mga opsiyal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog na karamihan ay pansamantalang nanunuluyan sa basketball court ng Tanza National High School. Nagbigay din si Mayor Tiangco at Cong. Toby Tiangco ng tulong pinansyal sa mga nasunugan, pati na […]

  • Nabiktima nang i-prank call sa paglipat sa GMA: PIOLO, sinabihan si BEA ng ‘Adik ka. Yun na yun?!’

    TAGUMPAY ang prank calling ni Bea Alonzo sa kanyang kapatid na James at sa mga kaibigan, na kinabibilangan nina Kakai Bautista, Mark Nicdao, Piolo Pascual at Vice Ganda.     Last April Fool’s Day, nasa bahay lang daw si Bea at walang magawa.  At mag-check siya sa comment section ng YouTube channel may suggestion na […]