Pagpasok sa politika, ‘di pa sinasara… DINGDONG, nagbigay ng kanyang bersyon at kinorek si MARIAN sa naging pahayag
- Published on April 25, 2023
- by @peoplesbalita
SI Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang naging special guest ni King of Talk Boy Abunda sa finale episode ng first season ng matagumpay na ‘Fast Talk with Boy Abunda’ noong April 21.
Sa umpisa ng programa, inalala ni Kuya Boy at di niya malilimutan na ang kauna-unahang guest niya ay si Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa pagsisimula ng show noong January 23.
At isa nga sa napag-usapan ang tungkol sa politika at public service na malapit sa puso ni Dingdong. Kaya tinanong siya ni Kuya Boy kung nasa plano pa ba niya ang pasukin ang mundo ng politika.
Tugon ni Dingdong, “Gusto ko pong aminin na may panahon na that I really thought na sana, for me to do more for the Filipino people over and beyond my work here in the industry.
“Pero never pa umabot sa punto para masabi kong, ‘Sige, gagawin ko ito.’
“It’s because I have high regards in public office, especially kapag sinabing public service, ‘yun dapat ang top most priority.
“I recognize na it’s not that easy, it will require much of your time, much of your energy, your love, your passion, of yourself, and it takes much sacrifice.”
Dagdag pa niya, “Isang bagay ang malinaw sa akin ngayon, that I have multiple roles to fulfill, literally and figuratively, because I want to be the best father to my children, the best husband to Marian, a good son, a responsible member of this beautiful industry, while striving to be a good citizen of this country each and every day.”
Sambit pa ng TV host kay Dingdong, “I like your discussion Dong about being many, pero hindi ka nagsasara ng pintuan?”
Na sinagot naman ng actor na,“I think it’s not for me to say but the circumstance.”
Binalikan din ni Kuya Boy ang naging pahayag ni Marian tungkol sa nangyari sa kanila ni Dingdong habang nasa taping ng ‘Dyesebel’ sa Palawan, na kung saan hindi ito nag-text back at sinabihan daw niya na, ‘baka naka-prepaid ka’ or walang load.
Paglilinaw ni Dong sa kanyang version sa istorya, “unang-una po, hindi sa Palawan nangyari ‘yun. Si Marian kasi, minsan may pagkamalimutin.
Nangyari po ‘yun sa ‘MariMar’.”
Pagpapatuloy pa niya, noong nagsisimula ang tandem nila, pareho pa sila na may ibang karelasyon at naging very professional sila, kahit may love-hate relationship.
“Si Marian, sobrang mapang-asar, lalong-lalo na sa akin. May change location kami, nauna ako at medyo masukal yun lugar.
“So, I message her, in good faith, na ganito ang puwede nilang daanan. Tapos hindi sumagot, pero alam kong seen. Aba, bakit kaya, ano kaya akala niya ini-style-lan ko siya.
“Kaya sabi ko sa kanya, ‘oh, nag-text ako sa ‘yo ah, bakit ‘di ka nakasagot, wala ka bang load?’
“Tapos namula talaga siya, at nag-walk out.”
Pero paglilinaw ni Dong, asaran lang talaga nila ‘yun Marian.
Samantala, magiging very visible nga si Dingdong sa buong 2023, meron siyang ‘Family Feud’ (Mondays to Fridays) at ‘Amazing Earth’ (every Saturday) at nagsimula na siyang mag-taping para sa primetime series na ‘Royal Blood’.
Ang soon magsisimula na siyang mag-host ng ‘The Voice Generations’ na ongoing na ang online audition. Abangan din sa The Sparkle Caravan sa Iloilo on May 13 at sa Davao on May 20. May audition din na gaganapin sa GMA Network Center on May 12.
Kuwento pa ni Dong, “may magandang sistema po ang GMA, where in nati-tape ko ang bawat isa. Kaya meron pa rin akong space in between, dahil mahalagang-mahalaga ang kalusugan.
“At higit sa lahat ang oras for the family at para makapagpahinga rin.
And surprisingly, kaya namang gawin dahil naka-spread naman po siya sa buong taon ang mangyayari.”
(ROHN ROMULO)
-
Pagrampa ni SANYA na naka-red bikini sa ‘First Yaya’, nag-top trending sa YouTube
NAG–ENJOY ang netizens sa panonood ng romantic-comedy series na First Yaya, sa episode na nagpapakita kay Sanya Lopez, wearing a red-bikini habang rumarampa bilang si Yaya Melody, at nganga lahat ng mga nakakita sa kanya. Nag-top trending iyon sa YouTube at ilang oras lamang after nai-showing ay umani na ito ng more than […]
-
Value Added Tax on Digital Services Law, may malaking impact at pabigat sa mga ordinaryong Pilipino
MARIING kinondena ni dating Bayan Muna Congressman Carlos Isagani Zarate ang nilagdaang Value Added Tax on Digital Services Law na may malaki umanong impact at pabigat sa mga ordinaryong Pilipino. “The imposition of a 12% digitax on digital goods and services is not the way forward. This measure will unfairly impact ordinary citizens, […]
-
Santo Papa, tinanggap ang mga credentials ng bagong Philippine envoy to The Holy See
PORMAL nang umupo bilang bagong Philippine ambassador to The Holy See si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Myla Grace Ragenia Macahilig. Pinalitan ni Macahilig si Grace Relucio-Princesa, na nagsilbi bilang Manila’s ambassador to The Holy See mula September 2018 hanggang unang bahagi ng taon. Sa social media accounts ng Vatican […]