Pagpatay ‘di polisiya sa ‘war on drugs’ campaign ng PNP – Eleazar
- Published on August 19, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na wala sa kanilang polisiya na patayin ang mga mahuhuling drug suspek sa mga ikinakasang anti-illegal drug operation.
Reaksyon ito ng PNP sa pahayag ng Commission on Human Rights (CHR) na nagpapatuloy pa rin umano ang mga patayan sa war on drugs, apat na taon mula nang mapatay si Kian Lloyd delos Santos sa Caloocan City.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, napanagot naman na ang 3 pulis na nasa likod ng pagpatay kay Kian na kabilang sa may 5,000 pulis na nasibak sa serbisyo mula noong 2016, kung kailan nagsimula ang administrasyong Duterte.
Binigyang-diin ni PNP Chief, malinaw naman ang direktiba sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin kung ano ang nakasaad sa batas subalit dapat ay proteksiyunan din ng mga alagad ng batas ang kanilang sarili kung nalalagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan.
Magsisilbing paalala aniya ang kaso ni Kian sa mga pulis na hindi dapat kunsintehin ang anumang uri ng pagkakamali at pang-aabuso sa kapangyarihan.
Samantala, siniguro ng PNP ang agresibong reporma sa kanilang organisasyon.
Ayon kay PNP Chief nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Justice (DOJ) sa pagrepaso ng mga kaso na may kaugnayan sa giyera kontra iligal na droga.
Kabilang dito ang transparency para palakasin ang accountability at ita ang mga dating kamalian at para matuldukan na ang mga kontrobersyang bumabalot sa gyera laban sa iligal droga.
Giit ni Eleazar, walang itinatago ang PNP at handa silang papanagutin ang mga pulis na mapatutunayang umabuso sa kapangyarihan o may ginawang katiwalian sa mga operasyon.
Nanindigan naman si Eleazar na sa kabila ng mga kontrobersya, tagumpay pa rin ang kanilang kampanya kontra sa iligal na droga. (Daris Jose)
-
Giyera baka humantong sa 3rd world war kung ayaw ni Putin ng peace talks – Zelensky
NAGPAKITA ng kanyang kahandaan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na makipag-negotiate kay Russian President Vladimir Putin kaugnay sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine. Ngunit nagbabala si Zelensky na kapag hindi maisakatuparan ang nasabing negosasyon, maaari itong magresulta sa World War 3. Iginiit naman nito na handa siya […]
-
Mag-ingat sa holiday text scams
NAGBABALA si Navotas Rep. Toby Tiangco sa publiko na maging mapagbantay sa tumitinding sopistikasyon ng text scams na tumatarget sa mga e-wallet users. Ang paalala na ito ni Tiangco, chairman ng House Committee on Information and Communication Technology, kasunod na rin sa pagtaas ng bilang ng scam messages gamit ang lehitimong e-wallet advisories. […]
-
Daniel Quizon, tinanghal bilang pinakabagong chess GM
TINANGHAL bilang pinakabagong Chess Grand Master ng bansa ang 20-anyos na binata mula sa Cavite na si Daniel Quizon. Nakamit nito ang nasabing Grand Master rank ng maabot ng 2,500-rating barrier at matapos na talunin niya si Russian-born Monegasque GM Igor Efimov. Si Quizon ang pinakahuling Pinoy Grand Master kasunod nina Oliver Barbosa […]