Pagpatay sa kandidatong Vice Mayor sa South Cotabato, kinondena
- Published on November 21, 2024
- by @peoplesbalita
KINONDENA ng Commission on Elections (Comelec) ang insidente ng pamamaril sa isang kandidato sa pagka-bise alkalde sa South Cotabato.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, walang puwang sa demokrasya ang ganitong uri ng mga pagpatay kung kaya’t dapat lamang na kinokondena.
Sinabi ng poll chief na hindi pa matatawag na election related incident ang pamamaril sa kandidato dahil hindi pa sakop ng Comelec ang ganitong insidente dahil hindi pa nagsisimula ang election period.
Umaapela siya sa mga law enforcement agency na agad arestuhin ang taong nasa likod ng pagpatay.
Si Vice Mayoralty Candidate Jose Osoria na kasalukuyang Barangay Chairman ng Bukay Pait Tantangan South Cotabato ay pinagbabaril habang nasa eatery na pagmamay-ari ng kanyang asawa noong Lunes ng umaga, November 18. GENE ADSUARA
-
PCG, nakapagsagip ng mahigit 180K survivor mula sa bagyong Kristine
Naisalba ng Philippine Coast Guard ang kabuuang 186, 245 survivors mula sa mga lugar na binaha dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng nagdaang bagyong Kristine. Ang mga nasagip na indibidwal ay mula sa Bicol, Southern Tagalog, Northeastern at Northwestern Luzon, NCR, Eastern, Southern at Western Visayas at Northeastern Mindanao. Sa situational […]
-
Ads May 30, 2023
-
Babala sa hoarders: 15 taong kulong, P2M multa ipapataw
PlNASASAMPOLAN ng isang lider ng Kamara de Representantes ang mga hoarder ng alkohol at iba pang produkto na lalo lamang magpapasama sa kalagayan ng bansa ngayong kumakalat na ang coronavirus disease. Ayon kay House committee on trade and industry chairman at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian sa ilalim ng Price Act ang mga hoarder ay […]