• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpupuslit ng P20 milyong halaga ng sibuyas, nahadlangan ng BOC

DALAWANG containers ng mga puslit na sibuyas, na idineklarang tinapay at mga pastries, ang na-impound ng Bureau of Customs (BOC) sa Mindanao Container Terminal Port sa Tagoloan, Misamis Oriental.

 

 

Nabatid na Disyembre 21, 2022 nang suriin ng mga personnel mula sa BOC, Department of Agriculture (DA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga naturang illegal shipments sa Mindanao port.

 

 

Ang naturang joint operation ay isinagawa sa pakikipag-koordinasyon sa BOC Region 10, MCT, Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement Security Services (ESS), DA, PDEA at Chamber of Customs Brokers, Inc. (CCBI), matapos makatanggap ng impormasyon na ang naturang shipments na naka-consign sa Asterzenmed Inc. ay naglalaman ng mga sibuyas, sa halip na tinapay at pastries.

 

 

Aabot sa 50,000 kilo ang nasabat na mga sibuyas na pawang mula sa China at dumating sa Cagayan de Oro noong Disyembre 6, 2022.

 

 

Tiniyak naman ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa publiko na nananatili silang committed sa direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Other News
  • Pagdanganan sa Abril pa makakahataw sa LPGA

    PUMALO na ang 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 first full-field event nitong Pebrero 25-28, ang Gainbridge LPGA sa Orlando, Florida, pero sa kalagitnaan pa ng Abril makakapag-umpisa ang longest hitter ng nagdaang taon na si Bianca Pagdanganan.     Maaari ring umasa ang 23-taong gulang na Pinay golf star mula sa Quezon City […]

  • DATING COMELEC CHAIRMAN, SIXTO BRILLANTES, PUMANAW NA

    PUMANAW na si dating Commission on Election (Comelec) Chairman Sixt Brillantes. . Ayon kay Comelec Spokespeson James Jimenez, pumanaw si Brillantes dakong  alas-11:08 ng umaga ngayong Martes, August 11. Namuno itong Comelec Chair noong Enero 2011 hanggang Pebrero 2015 . Sa kasagsagan ng pandemiya,  si Brillantes ang iniulat na tinamaan ng sakit na COVID-19. Sa […]

  • Qatar, magdo- donate ng P23-milyong halaga ng bakuna sa Pinas

    MAGDO-DONATE ang Qatar government sa PIlipinas ng USD450,000 (P23 million) na halaga ng coronavirus vaccine.     “The aim of the support is to provide additional 50,000 doses of Sinovac anti-Covid-19 vaccine for the cost of USD450,000, to the people of Philippines. The support comes as a continuation of Qatar’s response to provide wider access […]