• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsabing inaabuso ang COC substitution, ‘premature’ pa – Palasyo

Itinuturing ng Malacañang na “premature” o masyado pang maagang sabihing inaabuso ang probisyon sa Omnibus Election Code na nagpapahintulot ng substitution sa mga kandidatong tatakbo sa eleksyon.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, wala pa naman sa mga nakapaghain na ng certificate of candidacy (COC) para sa 2022 national elections ang napalitan na sa pamamagitan ng substitution.

 

 

Si Dela Rosa ang ka-tandem ni Sen. Christopher “Bong Go” na naghain na ng COC sa pagka-bise presidente sa ilalim ng PDP-Laban.

 

 

Maging ang partidong Lakas-CMD ay inaming nagpahain din ng mga COC para sa pagka-presidente para sa posible nilang susuportahang presaidential candidate na hindi nakapaghain ng COC noong Oktubre 8.

 

 

Ilang mambabatas na ang nagpanukalang repasuhin ang probisyon ng nasabing batas para maiwasang ginagawang katatawanan ang halalan sa bansa at maiwasan ang mga pag-abuso sa paghahain ng COC ng mga “fake candidates” na kalaunan ay papalitan din ng ibang kandidato.

 

 

“Hindi ko alam kung saan ang pang-aabuso kasi wala pa namang nagsa-substitute, so siguro po magkakaroon tayo ng conclusion kung meron ngang nag-substitute,” ani Sec. Roque. “So sa ngayon po wala pa namang kahit sinong nagsa-substitute, premature po para sabihing inaabuso.”

Other News
  • 3 patay, 1 kritikal sa pamamaril ng kapitbahay sa Caloocan

    NASAWI ang tatlong babae, kabilang ang 72-anyos na biyuda habang nasa kritikal naman na kalagayan ang asawa ng isa sa namatay matapos pagbabarilin ng kanilang kapitbahay sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi.     Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang mga biktimang si Lourma Orbe, 72, at kanyang manugang na […]

  • Dahil ‘di nabigyan ng Canadian visa: JUDY ANN, ‘di na muna matutuloy sa movie nila ni SAM

    NOW it can be told… hindi (muna) tuloy ang shooting ni Judy Ann Santos para sa pelikulang “The Diary of Mrs. Winters.”     Dapat sana ay nito pang Marso tumulak patungong Canada ang buong team ng nabanggit na horror film pero hindi sila natuloy.     At ngayong araw ng Martes, April 11, sa […]

  • Malakanyang, binati si Maria Filomena Singh bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas

    BINATI ng Malakanyang si Maria Filomena Singh sa pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas.     Si Justice Singh ay nagsilbi bilang Associate Justice ng Court of Appeals.     “We are confident that she would continue to uphold judicial excellence and independence in […]