Pagsibak sa 18 PNP officials, ipatutupad na
- Published on August 2, 2023
- by @peoplesbalita
TULUYAN nang sisibakin sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) ang 18 opisyal na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang courtesy resignation matapos na masangkot sa P6.7 bilyong illegal drug trade noong nakaraang taon.
Ayon kay PNP chief PGen. Benjamin Acorda, ang pagsibak sa mga ito ay alinsunod sa kanyang pakikipagpulong sa Pangulong Marcos.
Sinabi ni Acorda na bahagyang naantala ang pagsibak dahil kailangan pang linawin sa Pangulo kung serbisyo o puwesto lamang aalisin ang mga sangkot na opisyal.
Nabatid na mismong ang Pangulo ang nag-abot sa kanya ng mga pirmadong dokumento para agad na matanggal sa serbisyo ang mga naturang opisyal.
Dahil may lagda na ng Pangulo ay tuluyan nang aalisin sa serbisyo ang 18 mga pulis kung saan limitadong benepisyo lamang ang kanilang matatanggap, ani Acorda.
Magugunitang nitong nakalipas na linggo ay tinanggap ni BBM ang pagbibitiw ng 18 police brigadier generals at colonels batay sa rekomendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group na nagsagawa ng imbestigasyon.
Ito’y matapos ihayag ni Pangulong Marcos sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na kanyang tatanggapin ang resignation ng mga tiwaling law enforcer at iba pang sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga.
Sa 954 pulis na inimbestigahan, hinimok ng grupo si Pangulong Marcos na tanggapin ang pagbibitiw ng 18 police officers. (Daris Jose)
-
Rehab ng LRT 2 at extension nakaplano
NAKAPLANO na ang P10 billion na proyekto ng pamahalaan para sa overhaul ng bagon ng Light Rail Transit Line 2 at ang pagkakaron ng extension ng linya hanggang Tondo sa Manila. “We would entertain proposals from the private sector to rehabilitate the LRT 2 train cars, maintain the rail line, and expand it by […]
-
DoT, naglunsad ng one-stop call center para sa tourism concerns
MAAARI nang kontakin ng mga lokal at dayuhang turista ang one-stop call center na maaaring tugunan ang kanilang mga concerns na may kinalaman sa kanilang pag-byahe. Nauna rito, inilunsad ng Department of Tourism ang kauna-unahan at sentralisadong multi-platform Tourist Assistance Call Center sa isang seremonya sa tanggapan ng departamento sa Makati City. […]
-
Ads April 4, 2024