• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGSINGIL NG GENERATION COST NG MERALCO, PINALAGAN

IKINADISMAYA ng isang Obispo ang panibagong pagtataas ng singil sa kuryente ng mga konsyumer sa National Capital Region (NCR) at iba pang karatig lalawigan.

 

 

Ayon Cubao Bishop Honesto Ongtioco na hindi makatarungan na sisingilin sa mga consumer ang generation cost ng Manila Electric Company (MERALCO) noon taong 2013.

 

 

“How can they operate & pay their own people kung ang pautang ay napakalaki? Malaki siguro ang kita ng MERALCO pati na ang mga supplier nito, how can both operate with a huge amount of pautang? And for many years? Hindi pa pumapasok dito mga consumers,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

 

 

Ipinapanalangin din ng Obispo na magkaroon pa rin ng pamaaraaan ang may mga pananagutan na malutas ang panibagong pasanin ng mamamayan na dumaranas ng kahirapan dahil sa napakataas na presyo ng mga bilihin.

 

 

Patuloy naman ang pagsasagawa ng National Association of Electricity Consumer for Reform (NASECORE) ng mga hakbang na pipigilan ang nakatakdang pagtataas sa singil ng MERALCO.

 

 

“We’ll file Motion for Reconsideration today with the SC, Di tayo dapat mabahala dahil sa mas malaki ang Energy Regulatory Commission (ERC) order para sa Meralco refund na halos P50B,”mensahe ni Pete Ilagan – Pangulo ng NASECORE sa Radio Veritas. (Gene Adsuara)

Other News
  • PNP: Pamilya ng broadcaster na si Percy Lapid ‘binabantaan na rin ang buhay’

    INIUTOS na ni Philippine National Police chief Rodolfo Azurin Jr. na paigtingin ang seguridad ng pamilya ng pinatay na radio broadcaster na si Percy Lapid (Percival Mabasa) sa dahilang nakatatanggap na rin sila ng death threats.     Ito ang ibinahagi ni Azurin, Martes, sa panayam sa kanya ng ANC ilang araw matapos maisama sa […]

  • 2.2 milyong mag-aaral, mabebenepisyuhan ng ‘Libreng Sakay’ ng LRT-2

    INIHAYAG  ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando T. Cabrera na tinatayang aabot sa 2.2 milyon ang mga mag-aaral na makikinabang sa ‘Libreng Sakay’ program na ipagkakaloob ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa unang quarter ng School Year 2022-2023.     Ayon kay Cabrera, ang ‘Libreng Sakay’ program ng LRT-2 ay […]

  • Social Media Personalities na tumangging dumalo sa Kamara dahil sa pagkakalat ng fake news, tinuligsa

    TINULIGSA ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang ilang social media personalities sa pagtanggi ng mga ito na dumalo sa pagdinig ng Kamara ukol sa pagkalat ng pekeng balita at online disinformation, kasabay ng hamon na dahil ang kanilang  mga pahayag at kritisismo sa kaukulang forum. “Wag po kayong magtago sa mga ganyan, […]