• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGSISIYASAT SA DI PAGBABAYAD NG VENUE SA DEBATE, TINATAPOS NA

INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na matatapos ngayong linggo ang pagsisiyasat nito sa kabiguan ng kasosyo nito na magbayad sa hotel na ginamit bilang venue para sa presidential at vice presidential debate nito, sinabi ng isang poll official noong Linggo.

 

 

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na pinangunahan ni  Commissioner Rey Bulay ang imbestigasyon sa kontrobersya na nagpilit sa poll body na ipagpaliban ang huling dalawang debate sa halalan, na nakatakdang maganap ngayong weekend.

 

 

Ang pinal na  Comelec-organized vice presidential at presidential debates ay ipinagpaliban sa April 30 at May 1, mula sa dating April 23 at 24.

 

 

Ipinagpaliban ang debate matapos a matuklasang ang event organizer  Impact Hub Manila ay bigong mabayaran ang obligasyon nito sa  Sofitel Philippine Plaza, na halagang  P14 milyon.

 

 

Ayon sa Sofitel paulit-ulit silang inisyuhan ng  Impact Hub ng talbog na tseke

 

 

Bulay is asking for a week to complete the probe, said Garcia. “Hopefully, bago matapos ang Friday na ito ay atin pong malalaman na kung anong result ng investigation.”ani Garcia.

 

 

Tiniyak ng komisyoner na ang poll body ay magiging “very transparent” sa mga resulta ng imbestigasyon.

 

 

“We will be very, very transparent dahil walang katumbas ‘yong transparency doon sa kahihiyan na inabot, halimbawa, initially ng Commission on Elections,” pahayag ni Garcia .

 

 

Umapela rin ito sa publiko na huwag munang magbigay ng hatol sa sinuman habang hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon.

 

 

Inulit ni Garcia na ang Comelec ay hindi nag-isyu ng pondo para sa debate at ipinaliwanag na ang Impact Hub Manila ay pinayagang makalikom.ng pera sa pamamagitan ng advertisements  na siyang gagamitin na pambayad sa hotel.

 

 

Ikinalungkot ni Garcia na ang naturang miscommunication ay nakaapekto sa Comelec at sa integridad nito.

 

 

“Yung miscommunication ay miscommunication nila. But hindi dapat madamay ang end-user. Kung kahit na kayo’y naglalabanan, ano man ang pinanggagalingan ng inyong misinformation, miscommunication, whatsoever, ang importante hindi nadadamay yung mismong end-user,” sabi ni Garcia.

 

 

“Kasi tatandaan natin na ‘yang end-user ay isang Constitutional body na responsable sa mga mamamayan. Sa bandang huli, ang mga mamamayan ang kausap nila dito, hindi naman ang Commission on Elections lang. Pinagkatiwalaan sila ng Comelec at mga mamamayan ma-deliver ‘yan,” aniya pa. (GENE ADSUARA)

Other News
  • DOLE pinaalalahanan ang mga employer na libre ang bakuna sa kanilang empleyado

    Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi dapat ibigay ng libre ng mga private company ang mga bakuna laban sa COVID-19.     Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III na ipinagbabawal sa batas na ipabayad sa empleyado ang nasabing bakuna dahil sagot ito ng gobyerno.   Kahit na ang mga […]

  • P703 milyong fuel subsidies, naipamahagi na sa PUV drivers

    NAIPAMAHAGI na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang may P703 milyong halaga ng fuel subsidy na laan para sa mga benepisyaryong driver ng pampasaherong jeep.     Ayon kay LTFRB Executive Director Tina Cassion, ang fuel subsidies ay para sa kabuuang 108,164  be­neficiaries na tumanggap ng  P6,500 kada unit kaugnay ng Pantawid […]

  • Makakapag-serve pa rin kahit sa pagiging comedian: JOSE, never ding papasukin ang pulitika tulad ni WALLY

    SUMASALANG din ang sikat na komedyante at host ng ‘Eat Bulaga!’ na si Jose Manalo at partner niyang si Wally Bayola sa mga out-of-the country shows para mag-concert.   Kaya tinanong namin si Jose kung ano ang nararamdaman niya kapag humaharap siya sa mga Pilipino abroad bilang isang concert artist na kumakanta, sumasayaw at nagpapatawa? […]