Pagsita sa pag-e-exercise, ‘di napigilang patulan: JESSY, inaabangan din ng netizens kung kailan mabubuntis tulad ni HEART
- Published on January 18, 2022
- by @peoplesbalita
TUNGKOL sa pag-e-exercise ang recent Instagram post ni Jessy Mendiola.
At sa kabila ng ang daming kapwa celebrities niya ang pumupuri sa katawan ng misis ni Luis Manzano, tulad na lang ni Pia Wurtzbach na ang comment, “Slaaay Jessy!!,” meron pa rin nag-nega rito.
Para na rin palang si Heart Evangelista si Jessy ngayon. Inaabangan na rin kung kailan mabubuntis at mabibigyan ng anak si Luis.
Comment kasi ng isang netizen na kinuwestiyon na kaya raw siguro ito nagpapaganda ng abs, dahil ayaw mabuntis.
Hindi ito pinalampas ni Jessy at sinagot na, “porket may abs bawal mabuntis?”
Sabi pa ng isang comment din, “Paano ka magkaka-baby niyan if you always exercise.” Sinagot pa rin ito ni Jessy na, “iba-iba lahat tayo. Hindi ibig sabihin na it works for you eh ganoon na din sa iba.”
Sa isang banda, bakit nga ba ang ilang netizens ang may isyu na mabuntis o magka-anak na sina Jessy at Luis kung yung dalawa e, mukhang relax at nag-e-enjoy naman sa pagiging mag-asawa nila.
***
MABILIS daw na nawala ang pagka-ilang ni Rhen Escaño at Rita Martinez sa isa’t-isa kahit nga first time lang nagkasama at isang “GL” Girl Love story na ang ginawa nila.
Ayon kay Rhen, sa workshop pa lang daw ay nawala na agad ang anumang pagka-ilang nila. Actually, ang difference ng Lulu ang GL series na mapapanood sa Vivamax simula sa January 23, written and directed by Sigrid Andrea P. Bernardo, kumpara sa ibang mga actors na gumaganap bilang bading o lesbian, mga straight talaga.
This time, very open naman si Rita since The Voice pa na miyembro siya ng LGBTQ.
At ‘eto na, mukhang sa totoong buhay, si Angel Aquino ang makakapag-test ng friendship ng dalawa na.
Aba, parehong si Angel ang itinuturing nilang girl crush. Si Rhen na nagsabing wala siyang any experience pa sa same sex o nanligaw man lang sa kanyang tibo, pero sa crush na babae, Ang Probinsyano pa lang daw ay sinabi na niya kay Angel na crush niya ito at dream din na maka-trabaho.
“Ako rin, ako rin,” ang hirit ni Rita na gandang-ganda rin kay Angel at tulad ni Rhen, crush niya raw talaga.
Grabe rin ‘tong appeal ni Angel e, walang kupas, lalo na sa mga babae at lesbian.
Anyway, light daw ang kuwento at approach ng Lulu as opposed sa mga karaniwang LGBTQ na napapanood natin na madalas, seryoso ang paglalahad ng kuwento.
***
NATUWA raw ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards dahil sa naging bakasyon niya sa America after two years na hindi siya nakalabas ng bansa, pakiramdam daw niya ay bumalik siya sa normal.
Turista lang daw ang peg niya at talagang nagawa rin niya na mas makapag-spend ng time kasama ang kapatid niya na naka-base ro’n at ibang relatives.
Pero obviously, mas masaya ito dahil ang tila passion project niya, ang Alden ForwARd online concert na magaganap sa January 30 ay sold-out na ang tickets.
Kaya siyempre, masaya si Alden dahil marami siyang matutulungan, ang mga beneficiary ng kanyang Alden Foundation.
(ROSE GARCIA)
-
Deklarasyon ng food security emergency, ikakasa sa Enero 22- DA
INAASAHAN na idedeklara ng Department of Agriculture (DA) ang food security emergency sa Enero 22, ng taong kasalukuyan, araw ng Miyerkules. “Ang expectation by Monday, mare-receive na ng DA ‘yung kopya ng resolution ng approval ng recommendation na mag-declare nga ng food security emergency,” ang sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa sa […]
-
Kagawad arestado sa panunutok at pagpapaputok ng baril sa Malabon
DINAKIP ng pulisya ang 63-anyos na Kagawad ng barangay matapos ireklamo sa panunutok at pagpapaputok ng baril ng kanyang ka-lugar sa Malabon City. Kusang isinuko ni alyas “Kagawad Jaime” residente ng Karisma Village, Brgy. Panghulo, ang kanyang lisensiyadong kalibre .45 baril na may kalakip na “permit to carry outside residence” sa […]
-
Ads September 4, 2021