• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsuspinde sa barangay SK elections desisyunan na! – Comelec

UMAASA  ang Commission on Elections (Comelec) na makaka­pagdesisyon na ang Kongreso hanggang katapusan ngayong Agosto kung sususpindehin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) upang makapag­handa sila.

 

 

Sinabi ni Election Chairman George Erwin Garcia na handa na silang humarap sa pagdinig na ipatatawag ukol sa BSKE kung sususpindehin ito o itutuloy sa Disyembre.

 

 

Sa kabila ng katwiran na makakatipid ang pamahalaan ng P8.141 bilyong pondo, personal na paniwala ni Garcia na dapat matuloy ang eleksyon upang hindi na muling mapagkaitan ng demokrasya ang mga botantE

 

 

“Tama po na magkaron ng halalan. Subalit, kinikilala natin na ito ay isang absolute na discretion ng ating Kongreso kung ­ipagpapaliban o itutuloy ang darating na halalan na SK and barangay election,” ayon kay Garcia.

 

 

Ang eleksyon din umano ang paraan para mapalitan na ang mga tiwali, mga walang ginagawa sa posisyon, at walang maipakitang performance sa pamahalaan.

 

 

“At the same time, ‘yan naman ay isang pagkakataon din upang mapanatili natin ang mga lider na sa ating palagay naman ay karapat-dapat na mamahala sa atin nang tuluy-tuloy,” dagdag pa niya. (Ara Romero)

Other News
  • Fernando, binalikan ang mga nagawa ng Bulacan laban sa pandemya

    LUNGSOD NG MALOLOS- Binalikan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga maagap na inisyatibo ng Bulacan na naging dahilan upang mapagtagumpayan ang laban sa pandemyang COVID-19 sa ginanap na 11th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters ng Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 sa pamamagitan ng aplikasyong Zoom kahapon.     […]

  • Walang banta sa buhay ni Teves-PBBM

    MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., itinuturong utak umano sa masaker sa Negros Oriental noong Marso 2023 na ikinasawi ng 10 katao, kabilang ang gobernador na si Roel Degamo. ”Same thing. Wala naman kami… sa lahat ng mga sinasabi ni […]

  • Paglagda ng PH sa Free Trade Agreement sa Australia, New Zealand malaking gain sa agriculture at technology trade – solon

    NANINIWALA si House Committee on Agriculture and Food Chairman at Quezon 1st District Representative Mark Enverga na malaki ang magiging “gain” sa agriculture and technology trade ang paglagda ng Pilipinas sa Free Trade Agreement sa Australia at New Zealand.     Ayon kay Rep. Enverga magiging maganda ang prospective para sa sektor ng agrikultura sa […]