Pagsusulong na maisabatas ang Divorce Law, ikinadismaya ng CBCP
- Published on February 24, 2020
- by @peoplesbalita
DISMAYADO ang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa pagsusulong ng mga mambabatas sa pagsasabatas ng diborsiyo sa Pilipinas.
Ito ang reaksiyon ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias at Chairman ng CBCP – National Appellate Matrimonial Tribunal sa pag-apruba ng House Committee on Population and Family Relations sa tatlong inakdang divorce bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
“Sa ating gobyerno parang ang nababasa ko ay sila’y desidido na sa ganyan para bagang para ipakita na talagang ang divorce ay meron na sa Pilipinas,” pahayag ni Bishop Tobias sa panayam sa Radyo Veritas.
Base sa 2014 report ng Office of the Solicitor General, umaabot sa higit sampung libo ang naitalang annulment case sa bansa.
Nasa pagitan ng edad 21 hanggang 25 taong gulang na nakapagsama palang ng 1 hanggang 5 taon ang nagsusumite ng pagpapawalang bisa ng kasal.
Samantala sa 2015 Philippine Statistics Authority, naitala na 1,135 ang nagpakasal kada araw; 42 percent ay sa pamamagitan ng civil wedding habang 36 percent naman ang nagpakasal sa Simbahan.
Ang bilang na ito ay bumaba ng 20 porsiyento simula taong 2005.
Matatandaan namang Disyembre taong 2015 ng inilabas ni Pope Francis ang Mitis Iudex Dominus Iesus kung saan pinasimple ang proseso ng annulment ng Simbahan. (Gene Asuara)
-
IPINAGKALOOB kay Unang Ginang Atty. Marie Louise Araneta Marcos ang titulong “Chief Girl Scout” sa idinaos na investiture ceremony sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes.
Nangako naman ang Unang Ginang na tutulong sa paghubog sa “mental, emotional, at social qualities” ng mga kabataang kababaihan. Sa naging talumpati ng Unang Ginang, kinilala nito ang Girl Scouts of the Philippines (GSP) para sa walang kapaguran na pagganap sa kanilang misyon para “prepare young women for their responsibilities in the home, the nation, […]
-
PBBM pinatitiyak mga isolated areas ang prayoridad na mabigyan ng tulong dahil sa kalamidad
PINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga concerned agencies na prayoridad na mabigyan ng tulong ang mga isolated areas dahil sa kalamidad. Sa situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, iginiit ni PBBM na mahalaga ang papel at patuloy na suporta ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) […]
-
Administrasyong Marcos, nangako ng ‘safe, secure environment’ para sa media workers
COMMITTED ang administrasyong Marcos na magbigay ng “safe and secure environment” sa Philippine press. Sinabi ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Paul Gutierrez na ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay bilang suporta sa patuloy na operasyon ng task force sa ilalim ng kanyang liderato. […]