“Pagsusulong sa sustainable creative economies, isang hamon sa ating panahon” – Fernando
- Published on September 11, 2024
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- “Investing in local culture such as music, dance, theatre, literature, including traditional knowledge and skills, can develop creative economies, open up opportunities, and help strengthen identity and community. Ito po ay isang prayoridad sa hamon ng ating panahon.”
Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa ginanap na Grand Opening ng Singkaban Festival sa taong ito na may temang “Pagyakap sa Kasaysayan, Pagsulong sa Kinabukasan” sa harapan ng gusali ng Kapitolyo sa lungsod na ito kahapon.
Nangako ang gobernador na mas palalawigin pa ang pagtataguyod ng pamanang kultura at pagkakaisa ng mga kabataan.
“Patuloy tayong magsisikap na palawigin ang mas masigla, maningning, at makabuluhang Singkaban. Ipagbubunyi natin ngayon, at sa lahat ng panahon ang pamana ng isang Bulakenyo. Ang ating sining, kasaysayan, kalinangan, at turismo,” dagdag pa niya.
Ayon sa Philippine Statistic Authority, umabot ang Philippine Creative Economy sa P1.72 trilyon noong 2023, na nag-ambag ng 7.1 porsiyento sa Gross Domestic Product ng bansa.
Samantala, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin C. Abalos, Jr., na kinatawan ng kanyang anak na si Konsehal ng Lungsod ng Mandaluyong Charisse Marie Abalos-Vargas, na kumpiyansa ang DILG sa pamumuno ni Fernando sa pagtataguyod ng lokal na sining at kultura ng lalawigan.
“Ang inyong pong selebrasyon ay sumasalamin sa tinatahak ninyong landas na tungo sa pag-unlad na hindi isinasantabi ang kasaysayan o tradisyon,” ani Abalos.
Gayundin, nagdagdag ng kulay at saya sa kapistahan ang mga kalahok sa Marching Band Competition at Parada ng Karosa sa pagpapakita nila ng kanilang pambihirang pagtatanghal at pagkamalikhain sa mga habang binabagtas ang mga kalsada ng bakuran ng Pamahalaang Panlalawigan. Iaanunsyo ang mga nagwagi sa mga kumpetisyon kasabay ng Indakan sa Kalye 2024 sa Setyembre 14.
Dagdag pa rito, nagpamangha sa mga Bulakenyo ang talentado at ipinagmamalaking Bulakenya, ang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, sa kanyang nakabibighaning rendisyon ng Bulacan Tourism Jingle, “Dangal ng Lahi.” Kagila-gilalas ang kanyang pagtatanghal na nagpapakita ng kanyang talento at pagmamahal sa kanyang bayang pinagmulan.
Ang pagbubukas ng Singkaban Festival ang hudyat ng simula ng isang linggong pagdiriwang ng mayamang kasaysayan, sining, kultura, at turismo ng lalawigan hanggang Setyembre 15.
-
Calamity loan alok ng SSS sa members na apektado ni Carina
NAG-ALOK ang Social Security System (SSS) ng calamity loan para sa mga miyembro nito na matinding naapektuhan ng bagyong Carina sa National Capital Region at iba pang lugar na naideklarang nasa state of calamity. Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet, ang mga kuwalipikadong miyembro ng SSS na […]
-
Ka-duet pa si Matteo para sa sikat na kantang ‘The Gift’: SARAH, natuloy na rin ang much-awaited collaboration sa American songwriter na si JIM
NANGYARI na nga ang much-awaited collaboration ni Sarah Geronimo sa American pop songwriter na si Jim Brickman at ka-duet pa niya si Matteo Guidicelli. Sa latest vlog ni Sarah, makikita na nakikipag-usap sila ng asawang si Matteo over the phone sa sikat na pianist at radio host din. Say ni Jim, […]
-
SEA Games federation magpupulong muna kung tuluyang kakanselahin ang torneyo
Magpupulong ang Southeast Asian (SEA) Games federation para malaman ang kahihinatnan ng biennial event na gaganapin sa Vietnam. Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, ang chef de mission to the Vietnam SEA Games, isasagawa ang pagpupulong sa darating na Hunyo 24. Kabilang sa dadalo sa pulong sina Philippine […]