• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtakbo ni RICHARD bilang congressman, nakaapekto sa taping at airing ng serye nila ni HEART

DAHIL sa pagtakbo ni Richard Yap bilang congressman sa Cebu City sa May 2022 Elections, kinailangan mag-adjust ng production crew ng I Left My Heart in Sorsogon at tapusin agad ang lock-in taping.

 

 

Dapat pala ay pambungad sa taong 2022 ng GMA itong teleserye ni Heart Evangelista. Pero nagulat daw sila nang biglang mag-file ng kanyang COC si Richard kaya walang choice kundi tapusin agad ang taping para matapos na ang airing nito by March 2022 na siyang simula ng campaign period.

 

 

Kaya mauuna pa itong eere ang kesa sa The World Between Us.  Pero kailangan ding matapos ang airing ng TWBU by March din dahil si Tom Rodriguez ay nag-file din ng COC para tumakbo sa Anak ng Maharlikang Pilipino party-list.

 

 

Dahil nga naman sa political ambition ng mga artista ngayon kaya taranta ang schedules ng mga lock-in tapings.

 

 

***

 

 

LEADING man na wakas si Rodjun Cruz sa teleserye na Little Princess kunsaan nakaka-partner niya si Jo Berry.

 

 

Sobrang natuwa si Rodjun dahil pinagdasal daw niyang magkaroon siya ng malaking project para ipakita niya ang kanyang kakayahan sa pag-arte bilang leading man naman.

 

 

“Hindi ma-contain ‘yung happiness ko. Very grateful ako kasi pinag-pray ko ‘yan kay Lord. Sabi ko, ‘Lord, sana po bigyan Niyo pa po ako ng pagkakataon, bigyan Niyo po ako ng show na magagawa ko po ‘yung gusto ko, na mapapakita ko po yung talento ko atmakaka-inspire ako ng madaming tao.’

 

 

So noong tinawag nila sa akin ‘yung Little Princess, sabi ko ‘Wow, grabe ka Lord, answered prayer na naman to! Naniniwala din kasi ako na birthday gift sa akin ‘to ni Lord kasi nag-birthday ako noong October,” sey ni Rodjun na magiging kaagaw kay Jo sa naturang teleserye ay si Juancho Trivino.

 

 

Kelan lang ay nag-renew ng kanyang kontrata with GMA Artist Center si Rodjun at in full blast na rin ang nasimulan nilang sports apparel na Cruzfit.

 

 

“I’m very thankful and grateful to GMA for the opportunity and for always putting their trust in me. Nandito pa rin ako kasi mas lalo ko na-showcase ‘yung talents ko and mas madami akong natutunan sa kanila.

 

 

Kasi sila yung nagbibigay sa akin ng iba’t-ibang roles na dito ko lang din ginawa sa GMA. Mas lumalakas ‘yung loob ko, mas nahahasa ako as an actor, at the same time, nakakapag-perform ako kasi love ko rin talaga ang mag-perform.”

 

 

***

 

 

MAY nag-leak na balita sa Page Six na si Chris Evans daw ang napiling Sexiest Man Alive ng People Magazine sa taong ito.

 

 

Balitang dapat last year pa naging Sexiest Man Evans, pero binigay muna nila ito kay Michael B. Jordan.

 

 

Naging dahilan ng pagpalit last year sa Captain America star ay dahil sa pag-viral ng kanyang “dick pic” sa social media by accident noong September 2020.

 

 

“Chris was in discussions to take the cover last year, but it was not great timing,” sey ng taga-People.

 

 

Aminado ang 40-year old actor na naging careless siya sa pag-post sa social media at ang nailagay niya ay ang photo gallery kunsaan may kuha siya ng nota niya.

 

 

“You know, things happen, it’s embarrassing, you gotta roll with the punches. I will say I have some pretty fantastic fans who really came to my support and that was really, really nice,” nasabi na lang ni Evans.

 

 

Kasalukuyang si Evans ang boses ni Buzz Lightyear sa spinoff ng Toy Story.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • “Bob Marley: One Love” – A Cinematic Tribute to the King of Reggae

    DISCOVER the heart and soul of Bob Marley in the groundbreaking film “Bob Marley: One Love.” Experience the unseen facets of Marley’s life and legacy in theaters starting March 13, 2024.   Bob Marley’s unparalleled influence on music and culture continues to resonate across the globe, and the much-anticipated film, “Bob Marley: One Love,” promises […]

  • Bong Go: Zero subsidy sa PhilHealth, anti-poor

    “HINDI katanggap-tanggap at makamahirap!”       Ganito ang naging pahayag ni Senador Christopher “Bong” Go, isang crusader para sa mga reporma sa kalusugan, ukol sa niratipikahang Bicameral Committee Report sa 2025 General Appropriations Bill, partikular sa panukalang zero subsidy para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa susunod na taon.     Matapos pagtibayin […]

  • Posibleng pagtakbo ni PDu30 sa pagka-pangalawang pangulo ng bansa, walang legal impediment- Sec. Roque

    WALANG legal impediment o legal na hadlang para kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung magdesisyon man itong tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo sa 2022 elections.   Taliwas ito sa pinalulutang ng ilang grupo.   “Section 4, Article VII of the Constitution is clear : The President shall not be eligible for any re-election. President Duterte is […]