• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo, ipinag-utos

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo matapos ang serye ng pananalasa ng bagyo sa bansa dahilan para ilikas ang libong mga Filipino at dalhin sa pansamantalang tirahan sa pasilidad ng pamahalaan.

 

“Alam mo, it is high time that government consider na we build a strong structure, stronger than a typhoon that would come their way para mapuntahan ng mga tao and maybe small rooms with many comfort rooms where people can really stay for a while,”ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Martes ng gabi.

 

Sinabihan ni Pangulong Duterte si Senador Bong Go, long-time aide ng Pangulo, na banggitin ang pagpapabuti  ng mga evacuation centers sa Senado.

 

Idinagdag pa ng Pangulo na nagtalaga na siya ng isang indibiduwal  “to do all of these things, from the selection, appropriation, and everything,”.

 

Hindi naman pinangalanan ng Pangulo  ang  official in charge.

 

“As I have told you, we will look for a solution. Do not despair, kasi sabi ko nga noon e baka maawa ang Diyos, by December, January, meron na tayong makitang relief in sight,” ayon sa Pangulo na ang tinutukoy ay ang  coronavirus pandemic.

 

Sa ulat, nais ngayon ni Bise Presidente Leni Robredo na magkaroon ng permanente at multi-story evacuation centers sa mga lugar na madalas bahain kasunod ng pananalasa ng Bagyong Rolly sa Bicol region.

 

“Iyong mga lugar na bahain, dapat sana iyong evacuation centers doon, multi-story. Kasi iyong problema nga, noong umikot ako, maraming mga evacuation center ang flooded. So paano matutulog iyong mga tao kung, ‘di ba, kung may tubig iyong sahig?” ani Robredo sa kanyang weekly radio show.

 

Nitong linggo ay nag-ikot ang pangalawang pangulo ng Pilipinas sa mga probinsyang matinding napinsala ni Rolly.

 

Aniya, ang mga permanenteng evacuation centers ay maaaring itayo sa mga lugar na bahain gaya ng Bicol, Samar, at Quezon.

 

Iginiit din ni Robredo sa mga awtoridad na siguraduhing mataas ang kalidad na mga materyales na gagamitin sa pagpapatayo ng mga evacuation centers.

 

“Kasi otherwise, parating kapag bumabagyo, ganito iyong nangyayari. Totoong mas mura siya, pero dahil parati siyang nasisira, ang lalabas mas mahal talaga siya,” aniya.

 

Kamakailan ay nananawagan si Robredo na magtayo ng evacuation center para sa mga hayop matapos niyang maobserbahan na marami pa ring mga residente na ayaw lumikas dahil sa kanilang mga alagang hayop at kabuhayan sa kabila ng kinakaharap na panganib.

 

Ngunit, nalaman ng bise presidente na kulang ang pondo ng mga lokal na pamahalaan para maglagay ng mga imprastraktura.

 

“Karamihan kasi sa LGUs, hindi naman nila kaya iyong mga infrastructure na malalaki… Kailangan talagang gawan siya ng programa, ng budget, galing sa national government. Kasi iyong binibigay na mga donation, siyempre pansamantala siya,” sabi pa niya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Libreng sakay ng mga estudyante limited na lamang sa LRT 2

    BINAWI ng Department of Transportation (DOTr) ang naunang pahayag ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga estudyente sa lahat ng rail lines maliban sa Light Rail Transit Line 2 (LRT2) matapos ang pamahalaan ay nagsabing hindi na makakayanan ang revenue losses na kanilang nararanasan.       “The DOTr has received an order from the […]

  • Bulacan emerges as Top 1 Province in Local Source Revenues for FY 2022

    CITY OF MALOLOS- The Province of Bulacan added another feather to its cap as it was hailed as the Top 1 Province in Local Source Revenues (LSR) in Nominal Terms for the Fiscal Year (FY) 2022, and Top 3 for FY 2023 during the 37th Bureau of Local Government Finance (BLGF) Anniversary Stakeholders’ Recognition held […]

  • Diesel, posibleng tumaas ng higit P1 sa susunod na linggo

    NAGTAPOS ang apat na linggong sunud-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa asahan naman ang oil price hike sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy.     Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, mayroon silang nakikitang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.     […]