Pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo, ipinag-utos
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo matapos ang serye ng pananalasa ng bagyo sa bansa dahilan para ilikas ang libong mga Filipino at dalhin sa pansamantalang tirahan sa pasilidad ng pamahalaan.
“Alam mo, it is high time that government consider na we build a strong structure, stronger than a typhoon that would come their way para mapuntahan ng mga tao and maybe small rooms with many comfort rooms where people can really stay for a while,”ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Martes ng gabi.
Sinabihan ni Pangulong Duterte si Senador Bong Go, long-time aide ng Pangulo, na banggitin ang pagpapabuti ng mga evacuation centers sa Senado.
Idinagdag pa ng Pangulo na nagtalaga na siya ng isang indibiduwal “to do all of these things, from the selection, appropriation, and everything,”.
Hindi naman pinangalanan ng Pangulo ang official in charge.
“As I have told you, we will look for a solution. Do not despair, kasi sabi ko nga noon e baka maawa ang Diyos, by December, January, meron na tayong makitang relief in sight,” ayon sa Pangulo na ang tinutukoy ay ang coronavirus pandemic.
Sa ulat, nais ngayon ni Bise Presidente Leni Robredo na magkaroon ng permanente at multi-story evacuation centers sa mga lugar na madalas bahain kasunod ng pananalasa ng Bagyong Rolly sa Bicol region.
“Iyong mga lugar na bahain, dapat sana iyong evacuation centers doon, multi-story. Kasi iyong problema nga, noong umikot ako, maraming mga evacuation center ang flooded. So paano matutulog iyong mga tao kung, ‘di ba, kung may tubig iyong sahig?” ani Robredo sa kanyang weekly radio show.
Nitong linggo ay nag-ikot ang pangalawang pangulo ng Pilipinas sa mga probinsyang matinding napinsala ni Rolly.
Aniya, ang mga permanenteng evacuation centers ay maaaring itayo sa mga lugar na bahain gaya ng Bicol, Samar, at Quezon.
Iginiit din ni Robredo sa mga awtoridad na siguraduhing mataas ang kalidad na mga materyales na gagamitin sa pagpapatayo ng mga evacuation centers.
“Kasi otherwise, parating kapag bumabagyo, ganito iyong nangyayari. Totoong mas mura siya, pero dahil parati siyang nasisira, ang lalabas mas mahal talaga siya,” aniya.
Kamakailan ay nananawagan si Robredo na magtayo ng evacuation center para sa mga hayop matapos niyang maobserbahan na marami pa ring mga residente na ayaw lumikas dahil sa kanilang mga alagang hayop at kabuhayan sa kabila ng kinakaharap na panganib.
Ngunit, nalaman ng bise presidente na kulang ang pondo ng mga lokal na pamahalaan para maglagay ng mga imprastraktura.
“Karamihan kasi sa LGUs, hindi naman nila kaya iyong mga infrastructure na malalaki… Kailangan talagang gawan siya ng programa, ng budget, galing sa national government. Kasi iyong binibigay na mga donation, siyempre pansamantala siya,” sabi pa niya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
DOTr naghahanap ng consultant na gagawa ng Davao bus transit system
NAGHAHANAP ng consultant ang Department of Transportation (DOTr) na gagawa ng kauna-unahang integrated city-wide bus service na itatayo sa Davao City. Sa isang request ng expression ng interest mula sa DOTr, hinihingan ang mga consultancy firms na mag submit ng kanilang qualifications upang silang mangasiwa sa Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP). […]
-
METRO MANILA FILM FESTIVAL 2020 ONLINE REVEALS PRICE & PLATFORM
EARLIER last month, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) announced that the annual Metro Manila Film Festival (MMFF) will stream online. We all know, watching films from the MMFF lineup has become part of Filipinos’ Christmas traditions. But since we’re well aware of the risks regarding Christmas parties and other social gatherings, we […]
-
WANTED SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN NA BUNTIS, ARESTADO SA MALABON
ISANG lalaking wanted dahil sa pananakit sa kanyang walong buwan buntis na live-in partner ang arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, si Rickman Serafin, 30 ng Blk 14G, Lot 14, Teacher’s Village, Brgy. Longos ay […]