• November 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtatayo ng mga tulay sa NCR, kasama sa plano ng DPWH

PLANO ni DPWH Secretary Manuel Bonoan  na gumawa ng tulay na mag- uugnay sa North at Southern part ng Kalakhang Maynila.

 

 

Bunsod ito nang patuloy pa ring nararanasang matinding trapiko sa National Capital Region.

 

 

Sa Post SONA Economic briefing,  tinuran  ni Bonoan na balak nilang  itayo ang mga tulay mula sa Marikina at Pasig river at mula doon ay mapabilis ang mobility ng mga taga Kalakhang Maynila mula North  hanggang South.

 

 

Aniya, kaunti lamang ang connectors dito sa NCR kayat kailangang maipagpatuloy ang construction development.

 

 

Tinatayang lima hanggang anim na tulay ang target ni Bonoan na maipatayo patawid halimbawa ng Pasig river.

 

 

Sinabi pa nito na  patuloy ding magpapagawa ang gobyerno ng mga  expressway papasok sa iba pang bahagi ng NCR region.

 

 

Isa na rito aniya ang entry sa Eastern part na kung saan, ang tumbok  ay mga lugar ng Pasig at Canta mula Bulacan. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Di man nagwagi at itinanghal lang na First Runner-Up: HERLENE, humakot ng awards sa nakaraang ‘Binibining Pilipinas 2022’

    TAMA nga ang mga naglalabasang chika na balik GMA-7 na si Billy Crawford.     Ngayong August na rin siya magsisimulang mapanood sa GMA via the thrilling game show na “The Wall Philippines.”     Ang “The Wall Philippines” ay co-production between GMA-7 and Viva Entertainment, Inc., at kunsaan, si Billy ang magsisilbing host.   […]

  • MMDA, magsasagawa ng dry run ng expanded number coding scheme isang linggo bago ang F2F classes sa NCR

    NAKATAKDANG  magsagawa ng dry run sa expanded number coding scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw.     Ito ay bilang bahagi pa rin paghahanda ng kagawaran sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa bansa para sa school year 2022-2023 sa susunod na linggo.     Ayon kay MMDA Task Force Special Operations […]

  • Ads April 19, 2021