• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGTATAYO NG REGIONAL CENTER HOSPITAL SA CAVITE, IPINANUKALA

HINDI na kinakailangan lumuwas pa ng Maynila ang isang pasyente upang magpagamot kung may nakatayong isang Regional Speciality Center Hospital sa mga probinsiya.

Bunsod nito, sinabi ni  Senator Imee Marcos na pabor siyang  pondohan ang pagpapatayo ng isang  Regional Specialty Center  Hospital sa kanyang talumpati bilang guest of honor sa Parada ng Bayan at 111th Founding Anniversary  sa bayan ng Tanza, Cavite.

Ayon pa sa Senadora,  makakabuti ang pagtatayo ng Regional Specialty Center  Hospital sa Cavite upang hindi na kinakailangang lumuwas pa ang pasyente sa Maynila o ibang lugar upang magpagamot.

Paliwanag pa ni Marcos ang paga-allocate ng pondo ng gobyerno sa isang State University and Colleges na may kursong Medisina  upang may mga doctors  sa tutulong dito.

Kasabay din ito  sa plano ni Tanza Vice Mayor Archangelo “SM” Matro ang pagpapatayo ng isang pampublikong ospital sa bayan kung saan ang magsisilbing ospital  ang kasalukuyang munisipiyo na plano namang ilipat sa mas maluwag  na lugar upang mapagsilbihan ang mamamayan ng bayan ng Tanza. (Gene Adsuara) 

Other News
  • Valenzuela LGU, Ford motors nagsagawa ng libreng driving training

    SA pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na isulong ang ligtas na pagmamaneho, nakipagtulungan sina Mayor WES Gatchalian at Konsehal Sel Sabino-Sy sa Ford Motors Company at nagsagawa ng pagsasanay na tinawag na “Ford Driving Skills For Life,” na ginanap sa Club House, Barangay Canumay West.     Halos 300 katao ang nakilahok sa nasabing […]

  • ‘Di dapat ginagawa yun lalo na babaing minamahal… Sa pananakit ni KIT kay ANA, nahihiya si Sec. ROQUE bilang lalaki

    MAGAGANAP sa Biyernes ang launching ni Bea Alonzo bilang bagong Brand Ambassador ng Beautederm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.     Ito ang bagong dagdag sa mga endorsements ni Bea. Two of her new endorsements are Century Tuna at Kopiko Blanca.     Laging bongga ang launching ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan. Ano naman […]

  • 2,500 trabaho alok sa Manila job fair

    NASA 2,500 na bakanteng trabaho sa Maynila ang inaalok sa gaga­naping job fair na bukas din maging sa mga elementary o high school graduates.     Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na isasagawa ng pamahalaang lungsod ng Maynila bukas, Setyembre 25, 2024, ang “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” bilang highlight ng lingguhang regular […]