Pagtatayo pa ng community pantry sa iba’t ibang lugar sa bansa, hindi pipigilan ng Malakanyang
- Published on April 28, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG balak ang Malakanyang na pigilan ang itatayo pang community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong panahon ng pandemya.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na, ‘let a thousand community pantries bloom’ dahil ito aniya ay bayanihan.
Sumasalalim aniya ito sa kagalingan ng mga Filipino sa pinakamasamang panahon.
Nauna rito, sinabi kasi ni treatment czar Undersecretary Leopoldo Vega na malaki ang posiibilidad na lumikha ng problema ang mga community pantry sa ibat ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.
Kaya nga, inulit ni Sec.Roque ang naging pahayag nito na na kinakailangan sumunod din sa minimum health standards kung saan ay kasama aniya rito ang pagbabawal sa mass gathering.
“Dahil kapag tayo po’y nagkumpul-kumpulan, iyan po ang pinaka-sure na pamamaraan para kumalat ang COVID. Baka naman sa pagbibigay ng tulong natin, pagbibigay ng pagkain sa ating mga kababayan eh iyan naman ang maging dahilan para sila po’y mag-COVID at magkasakit,” ayon kay Sec. Roque.
“So ang panawagan po natin, ipatupad po natin ang ating mga minimum health standards at lahat po ng mga nagsisimula ng community pantry, kinakailangan po makipag-ugnayan kayo sa inyong barangay at sa lokal na pamahalaan para naman masiguro lalung-lalo na iyong social distancing, mask, hugas at iwas,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, sinabi ni Usec. Vega na wala namang dudang maganda ang nilalayon ng community pantry ngunit hindi nagiging makabuluhan kung nauuwi na ito sa mass gathering.
Malaki aniya ang posibilidad na magkapag- ambag sa mga bago at aktibong kaso ng covid 19 ang mga community pantry sa dami ng tao na lumalabas at pumipila lalo na kung hindi mahigpit na naipatutupad ang minimum health protocols at social distancing.
Dahil dito, ang panawagan ng opisyal sa mga organizer, mga lokal na pamahalaan at mga pumipila sa community pantry, kailangang seryosohin at nasusunod ang social distancing at minimum healh standards sa pila. (Daris Jose)
-
Bubble slugfest sa Mandaue sa Okt. 7
IHAHATAG Cebu-based Omega Sports Promotions sa unang pagkakataon sa bansa ang groundbreaking bubble boxing card sa Miyerkoles, Oktubre 7 sa International Pharmaceuticals Inc. compound sa Mandaue City, Cebu. “We are honored and privileged to be holding this historic boxing card in Cebu. It is a challenge but we are looking forward to it,” namutawi […]
-
Scrimmage ipu-push ng PBA sa May 16
Puntirya ng Philippine Basketball Association (PBA) na masimulan ang scrimmage ng mga teams sa Mayo 16 kung bibigyan ng go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF). Ito ang isa sa mga tatalakayin sa pakikipagpulong ng pamunuan ng liga sa local government unit sa Batangas na magsisilbing training venue ng ilang PBA teams. […]
-
‘Honest mistake’ – Mayor Abby
Humingi ng paumanhin kahapon si Makati City Mayor Abigail Binay kaugnay sa viral video ng isang volunteer nurse na hindi naiturok ang lamang COVID-19 vaccine sa isang indibidwal. Ani Mayor Abby, isang honest mistake ang nangyari na agad namang naitama. “We acknowledge the video, it was a human error on the […]