Pagtestigo under oath ni VP Sara sa Kamara, kapalit na kondisyon sa drug, psycho tests ng mga mambabatas
- Published on October 24, 2024
- by @peoplesbalita
TINANGGAP ng mga mambabatas na miyembro ng Young Guns sa Kamara ang hamon ni Vice President Sara Duterte na sumailalim sa mga tests sa illegal drug substances at psychiatric evaluation, sa kabila na walang pangangailangan para dito.
Ngunit, may kondisyon ang mga mambabatas sa bise presidente na manumpa ito sa harap ng House Blue Ribbon Committee na nagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y maling paggamit ng pondi ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
“We are more than willing to take the drug test and psychiatric exam, as the Vice President suggested, but we will not allow her to divert the real issue, which is the allegations of fund misuse and graft and corruption against her. We believe that transparency should go both ways. If she wants to challenge us, she should be ready to face the House Blue Ribbon Committee and testify under oath,” pahayag ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun.
Iginiit ng mambabatas na hindi lamang ito para linisin ang pangalan mula sa walang basehang akusasyon kundi pananagutan ng bawat public official,
“I am prepared to take these tests, and I am sure my colleagues are as well. However, the public deserves the same level of transparency when it comes to the use of public funds, and this can only happen if Vice President Duterte agrees to testify,” ani Khonghun.
Nag ugat ang hamon ng VP mula sa mga kritisismo laban sa kanya kabilang na ang panawagan mula sa mga miyembro ng Young Guns, partikular na sa mga naging kontrobersiyal na pahayag at desisyon.
Sinabi naman ni House Assistant Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega na handa silang sumailalim sa mga tests dahil wala naman silang itinatago. Gayunman, dapat ipakita ng pangalawang pangulo na magpakita ng accountability sa pamamagitan nang pagharap sa kongreso at sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.
“We have nothing to hide. We’re ready to undergo these tests, but in the same breath, the Vice President should demonstrate her accountability by appearing before Congress to answer the allegations of fund misuse in her office. Only then will this challenge truly serve the public interest,” ani Ortega.
-
May ‘good vision’ kahit baguhan lang sa pulitika… ARJO, dream talaga na maging isang mabuting public servant
HINDI na bagito sa acting si Migs Almendras. May acting experience na siya sa pelikula, TV, teatro at commercials. Winner siya ng Best Actor Award mula sa ALIW para sa mahusay niyang performance sa stage play na ‘Under My Skin.’ Nakalabas na rin siya sa BL film na Hello […]
-
Laking gulat na nakapag-perform sa sold-out crowd: CHRIS ROCK, no comment at ‘di ina-accept ang apology ni WILL SMITH sa social media
NAKARAMDAM ng pagmamahal ang comedian na si Chris Rock nang mag-perform ito sa sold-out crowd sa Wilbur Theater in Boston. Ang comedy tour niyang ito ay naganap ilang araw lang pagkatapos ng controversial slap sa kanya ni Will Smith sa nakaraang Oscar Awards. Hindi raw inasahan ni Rock na mapupuno niya […]
-
Magkumare rin ang dalawang reyna ng GMA: MARIAN at JENNYLYN, nagpakita ng suporta sa kani-kanilang show
SA mundo ng showbiz kung saan kaliwa’t kanan ang siraan at hilahan pababa, nakakatuwang malaman na marami pa rin ang nagbibigay ng suporta sa kapwa artista. Tulad na lamang dalawang reyna ng GMA na sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado. Sa Instagram story ni Marian ay nag-post ang Primetime Queen ng […]