Pagtiyak ng SSS, walang data records ng mga miyembro ang naapektuhan ng sunog sa main office
- Published on August 30, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Social Security System (SSS) na walang data records ng mga miyembro nito ang naapektuhan ng sunog na tumama sa main office, Linggo ng madaling araw, Agosto 28.
Sa isang kalatas, sinabi ng SSS na ang lahat ng payments ay tatanggapin at ipo-post nang naaayon.
“SSS assures the public that all member data records are not affected and there is no interruption in the delivery of its services in all branches and via online thru My.SSS, SSS Mobile App, and uSSSap Tayo portals,”dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, nasunog ang bahagi ng main building ng Social Security System (SSS) sa East Avenue, Barangay Pinyahan, Quezon City, sa nasabing araw.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog sa electric room ng data center sa unang palapag ng gusali.
Itinaas ang first alarm bandang 2:05 a.m. at naapula ang apoy ng 5:11 a.m.
Walang namang naiulat na nasaktan sa sunog na tumupok sa P700,000 halaga ng mga gamit ng ahensya.
Inaalam na ang sanhi ng sunog at kung may iba pang mga kwarto sa punong tanggapan na naapektuhan ng sunog. (Daris Jose)
-
Nora, Nadine at Maricel, hindi pinalad mapili: Movie nina VILMA-BOYET, EUGENE-POKWANG at PIOLO, pasok sa final six ng ‘MMFF 2023’
na nga ang Selection Committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) para makumpleto ang mga entries para sa taunang film festival. At dahil nga sa umaapaw na 30 finished films na pinadala para ma-review at mapasama sa mga entries, nagdesisyon ng komite na sa halip na apat ay ginawang anim na ang pelikulang pipiliin, […]
-
2 pulis-Maynila sinampahan ng kaso sa pananakit, pananakot at panunutok ng baril sa traffic enforcer ng Valenzuela
SINAMPAHAN ng kaso ng Valenzuela City Police ang dalawang tauhan ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District (MPD) dahil sa ginawa umanong pananakit, pananakot at panunutok ng baril sa isang traffic enforcer ng lungsod. Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Mayor WES Gatchalian, kasong physical injury at grave threat […]
-
Pangulong Maros pinalawig ng 15 taon ang Malampaya gas field contract
NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Renewal Agreement para sa Malampaya Service Contract No. 38 (SC 38). Ginawa ang ceremonial signing kahapon sa Malakanyang. Nakasaad sa kontrata ang panibagong 15 taon o hanggang 2039 sa patuloy na produksyon ng Malampaya para sa kuryente sa bansa. Nabatid na […]