PAGWASAK SA MAY P7.5-B HALAGA NG IBAT-IBANG URI NG DROGA NG PDEA SINAKSIHAN NI PDU30
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
AABOT sa halagang P7,510,840,985 na halaga ng iba’t ibang uri ng droga at mga sangkap nito ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang Integrated Waste Management system sa may Trece Martirez sa Cavite.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Vilanueva ay ito ay pagsunod sa batas at sa mahigpit na utos na rin ni President Rodrigo Roa Duterte, na sinaksihan mismo ang pagwasak ng mga droga, na lahat ng mga kumpiskadong droga ng PDEA mula sa kanilang mga anti-drug operations ay dapat wasakin, upang maiwasan na ma recycle ito.
Pinaka maraming droga na winasak ng PDEA ay ang shabu na umabot sa halos 240 kilo na may street value na aabot sa P7,314,615,343. Masasabing ito na ang isa sa pinakamalaking pagwasak ng PDEA sa mga droga. (RONALDO QUINIO)
-
Pag-lockdown sa Maynila dahil sa COVID-19, premature-DoH
PREMATURE pa kung ituring ng Department of Health (DoH) kung kailangan nang i-lockdown ang Maynila matapos na mapaulat na di umano’y mayroon nang sampung bagong kaso ng COVID-19 sa bansa at sa kabuuan ay 20 katao na ang tinamaan ng virus. Sa Laging Handa briefings a New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi ni […]
-
Harry Roque pugante na!
ITINUTURING na ngayong ‘pugante’ sa batas si dating Presidential spokesman Harry Roque na hinihinalang may kaugnayan sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Porac, Pampanga. Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, ito ay bunga ng kabiguan ni Roque na dumalo at isumite ang mga dokumento na makatutulong […]
-
Ads January 4, 2024