Pahayag ukol sa transport strike: Factual, hindi red tagging -VP Duterte
- Published on March 8, 2023
- by @peoplesbalita
NILINAW ni Vice-President at Education Secretary Sara Duterte na ang kanyang mga sinabi ukol sa week-long transport strike bilang “communist-inspired” at isang “painful interference” ay pagsasabi lamang ng katotohanan at hindi red tagging.
Ang pahayag na ito ni Duterte ay matapos na tuligsain ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang kanyang pahayag at sabihing ito’y “red tagging” sa ACT at public utility drivers na nakiisa sa tigil-pasada.
Tinawag kasi ni Duterte ang Piston bilang isang organisasyon “with leaders and members poisoned by the ideologies” ng Communist Party of the Philippines, National Democratic Front of the Philippines at New People’s Army .
Tinawag naman nito ang ACT bilang grupo na “diametrically nowhere near in the service of the interest of the learners and the education sector.”
“This is not red-tagging. This is a statement of fact,” giit ni Duterte.
Sinabi pa nito na magkaroon man ng tigil pasada ay walang tigil sa pag-aaral ang mga kabataan.
Muling inulit nito na kontra ang gobyerno sa transport strike dahil ito’y “problematic” at makasasakit sa mga mag-aaral.
“If you cannot understand our position, or refuse to understand our position, or even pretend not to understand our position, this is only because of your unbelievable propensity to push a hardline agenda that punishes the general public,” ang wika ni Duterte. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Walang report ng destab plot sa hanay ng mga aktibong pulis laban sa kanya
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang report ukol sa mga aktibong police officials ang kasama sa nagpa-planong patalsikin siya sa puwesto. Nauna rito, sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na may ilang retirado at aktibong high-ranking officials mula sa Philippine National Police (PNP) ang nangungumbinsi umano sa kanilang hanay para […]
-
Iloilo City gov’t nagpaliwanag sa maling brand ng bakuna ang naiturok sa vaccinee
Nagpaliwanag ang Iloilo City government kasunod ng reklamo ng isang vaccinee na binakunahan ng first dose ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na Sinovac ngunit para sa kanyang second dose, Moderna na ang naiturok sa kanya. Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na base sa naging […]
-
NAKISALI sina Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez
NAKISALI sina Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, at ilang mga konsehal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa paghataw sa Zumba at Health Caravan para kina Lolo at Lola na mga Navoteño seniors na bahagi ng ika-118th Navotas Day celebration. (Richard Mesa)