• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pakikiramay bumuhos sa pagpanaw ni hall of famer boxer Curtis Cokes, 82

Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ni Hall of Famer at dating welterweight champion Curtis Cokes sa edad 82.

 

Ayon sa kaniyang anak, hindi na nito nakayanan ang kaniyang heart failures.

 

Mula sa kapwa boksingero hanggang sa mga boxing fans ay nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa mga kaanak ni cokes.

 

Ipinanganak noong Hunyo 15, 1937 at naging boksingero mula 1958 hanggang 1972 kung saan hinawakan nito ang welterweight title mula 1966 hanggang 1969.

 

Matapos ang kaniyang boxing career ay naging kilalang trainer.

 

Bago naging boksingero ay naglaro ito ng baseball at basketball sa edad 17.

 

Taong 1961 ng manguna sa top 10 welterweight world rankings at 1965 ng makuha ang bakanteng Texas welterweight title.

 

Tinalo naman niya sa pamamagitan ng 15-round decision laban kay Manuel Gonzalez at makuha ang bakanteng WBA title.

Other News
  • Mga magulang, bantay ng mga mag-aaral isasailalim sa training ng DepEd para sa flexible learning

    Target ng Department of Education na gawing “effective learning facilitators” ang mga magulang at mga bantay ng mga mag-aaral sa ilalim ng isinusulong na flexible learning sa darating na pasukan sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sinabi ni Education Usec. Tonisito Umali na magbibigay sila ng training at orientation sa mga magulang at bantay na […]

  • Ads October 8, 2020

  • Pagbabakuna tuloy sa Metro Manila kahit ECQ

    DAHIL sa namuong banta ng Delta variant, walang kuwestiyon na ang pagbabakuna sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) classification ay isang mahalagang solusyon.   Nakasaad sa Seksyon 2 ng Guidelines for Areas Placed Under ECQ ng Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine sa Pilipinas na “gatherings that are […]