• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pakikiramay sa pagpanaw ni dating Mayor Danilo “Danny” Lacuna

INIHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pagpanaw ng kanyang ama na si dating Mayor Danilo “Danny” Lacuna, Linggo ng umaga, Agosto 13, 2023, sa edad na 85.

 

 

Sa social media post ng pamilya Lacuna sa pamamagitan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang panganay sa limang anak ni dating Bise Alkalde, Danny Lacuna, namayapa ang kanilang ama ng Linggo ng umaga habang napapaligiran ng kanyang pamilya.

 

 

“It is with immeasurable sadness that we announce the death of Hon. Danilo Bautista Lacuna, Former Vice Mayor of Manila. Our beloved Daddy Danny joined his creator early this morning, August 13, 2023, surrounded by his loved ones.” pahayag ni Mayor Honey sa kanyang opisyal na Facebook account.

 

 

“A man of great service and compassion, Danny touched many, creating life which spans further than just his hears and into the hearts of us all here he will remain forever. We invite you to join us as we celebrate his life as well as his new life in Paradise,” dagdag pa ng alkalde.

 

 

Nagsilbi muna bilang Konsehal ng Lungsod ng Maynila si Danilo Bautista Lacuna mula taong 1968 hanggang 1975 at Bise Alkalde naman ng mula 1970 hanggang 1971, 1998 hanggang 1992, at ang pinakahuli ay noong 1998 hanggang 2007.

 

 

Si Danny Lacuna rin ang bumuo ng lokal na partidong pulitikal sa lungsod na Asenso Manileño na naging partido ni dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at kasalukuyang Mayor Honey Lacuna.

 

 

Naulila ng namayapang dating bise alkalde ang kanyang maybahay na si Melanie “Inday” Lacuna at limang anak na sina Honey, Lei, Dennis, Liza, at Philip.

 

 

Nakikiramay naman ang lahat ng opisyal at miyembro ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) sa pamumuno ni JR Reyes sa pamilya Lacuna.

 

 

Nagsilbing mabuting kaibigan at itinuring na pamilya ni dating Bise Alkalde Danny Lacuna ang ilang mga naging opisyal at miyembro ng MCHPC partikular na noong panahon ng kanyang panunungkulan.

 

 

Sa mga nais magbigay ng kanilang huling paggalang sa dating Bise Alkalde Danny Lacuna, ang Public Viewing ay nakatakda mula 2pm hanggang 9pm mula Lunes, Agosto 14 hanggang Huwebes, Agosto 17 sa Cosmopolitan Memorial Chapels sa Araneta Avenue. Ang interment ay sa Biyernes, Agosto 18.    (Leslie Alinsunurin)

Other News
  • Ads January 26, 2024

  • Panawagan ng Tsina na paghahanda para sa sea row; walang bago-PBBM

    WALANG bago sa naging panawagan ni Chinese President Xi Jinping sa armed forces na makipagtulungan para sa paghahanda para sa mga military conflicts sa karagatan. ”Well frankly I don’t think there is anything new there. That’s what they’ve been doing already. They have defined the 10-dash line and they continue to defend it. For our […]

  • Malacañang, ipinagtanggol ang byahe ng Pangulo sa Singapore

    IDINEPENSA ni Press Secretary Trixie Angeles ang naging byahe ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore nitong weekend, kung saan namataan siyang nanonood ng Formula 1 Grand Prix, kasama ang anak nitong si Rep. Sandro at pinsan na si House Speaker Martin Romualdez.     Ayon kay Angeles, naging produktibo ang pagdalaw sa Singpore ng […]