• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PALARONG PAMBANSA 2020, KANSELADO SA COVID-19

BILANG bahagi ng pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19 , pormal nang ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ang pagpapaliban sa 2020 Palarong Pambansa na gaganapin sana mula May 1 hanggang May 9, 2020.

 

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na host ng 2020 Palaro ang naging desisyon matapos ang pakikipagpulong sa DepEd at ilang stakeholders ng summer Games.

 

Ang hakbang ng lungsod ay kinumpirma rin ng tanggapan ng Marikina PIO bunsod na rin ng pangamba sa deadly virus at sakit na COVID-19.

 

Nauna rito, mismong si Teodoro ang nagpahayag na mayroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Marikina City sa katauhan ng isang 86-anyos na lalaki na nagtungo kamakailan sa South Korea.

 

Bago ito, sinuspinde rin ng DepEd ang lahat ng mga nakatakda nilang national at regional events matapos umakyat ang bilang ng kaso ng COVID-19 at kumpirmahin ng Department of Health na mayroon na ring local transmission ng virus sa bansa.

 

Ang isyu sa Palarong Pambansa sa buwan ng Mayo ay iniatang na ng DepEd ang desisyon sa Palaro board.
Hindi pa naman nagbigay ng eksaktong petsa ang ahensya kung kailan ipagpapatuloy ang mga aktibidad.
Ang Palarong Pambansa na nilalahukan ng lahat ng rehiyon mula elementarya at high school ay mahalaga sa DepEd at Philippine Sports Commission (PSC) dahil kadalasan dito nakakadiskubre ang bansa ng mga may potential na atleta para maging national athletes tulad na lamang nina Lydia de Vega, Elma Muros, Eric Buhain at marami pang iba.

 

Una rito kinumpirma ni Mayor Teodoro ang unang kaso ng coronavirus disease sa siyudad.

 

Agad na nilinaw ng mayor na ang lalaking pasyente ay hindi maituturing na local transmission ang kaso dahil may travel history ito sa pagbiyahe sa South Korea.

 

Samantala, tuloy naman ang pagdaraos ng 2020 National Schools Press Conference (NSPC) at National Festival of Talents (NFOT) dahil ang mga delegado para dito ay nasa biyahe na habang ang iba ay nakarating na sa mga venue na pagdarausan ng mga aktibidad.

 

Ang NSPC, na idinaraos na sa Tuguegarao City, Cagayan, at NFOT, na isinasagawa na sa Ilagan City, Isabela, ay naka-iskedyul na idaos mula kahapon na Marso 9 hanggang 13. (REC)

Other News
  • Mahigit 17,000 na mga frontline worker sa Bulacan, tumanggap ng unang dose ng bakuna kontra

    COVID-19 LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Bulacan ng 17,728 na mga frontline worker kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa Priority Group A1 sang-ayon sa resolusyon na iniharap ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) at DOH Technical Advisory Group (DOH-TAG) mula ng simulan ang programa noong Marso 8, 2021.     […]

  • Kinabog ang mga celebrity pets: Fur baby ni TAYLOR SWIFT, nasa $97 million na ang net worth

    KABOG ang ibang pets ng celebrities sa pusa ni Taylor Swift na si Olivia Benson. Ito kasi ang ikatlong pinakamayamang hayop sa buong mundo ayon sa report ng All About Cats.   Umaabot sa $97 million, o mahigit PhP 5.4 billion, ang net worth ng fur baby ni Taylor dahil sa social media. Ayon pa […]

  • Psalm 34:8

    The Lord is good.