• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PALARONG PAMBANSA 2020, KANSELADO SA COVID-19

BILANG bahagi ng pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19 , pormal nang ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ang pagpapaliban sa 2020 Palarong Pambansa na gaganapin sana mula May 1 hanggang May 9, 2020.

 

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na host ng 2020 Palaro ang naging desisyon matapos ang pakikipagpulong sa DepEd at ilang stakeholders ng summer Games.

 

Ang hakbang ng lungsod ay kinumpirma rin ng tanggapan ng Marikina PIO bunsod na rin ng pangamba sa deadly virus at sakit na COVID-19.

 

Nauna rito, mismong si Teodoro ang nagpahayag na mayroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Marikina City sa katauhan ng isang 86-anyos na lalaki na nagtungo kamakailan sa South Korea.

 

Bago ito, sinuspinde rin ng DepEd ang lahat ng mga nakatakda nilang national at regional events matapos umakyat ang bilang ng kaso ng COVID-19 at kumpirmahin ng Department of Health na mayroon na ring local transmission ng virus sa bansa.

 

Ang isyu sa Palarong Pambansa sa buwan ng Mayo ay iniatang na ng DepEd ang desisyon sa Palaro board.
Hindi pa naman nagbigay ng eksaktong petsa ang ahensya kung kailan ipagpapatuloy ang mga aktibidad.
Ang Palarong Pambansa na nilalahukan ng lahat ng rehiyon mula elementarya at high school ay mahalaga sa DepEd at Philippine Sports Commission (PSC) dahil kadalasan dito nakakadiskubre ang bansa ng mga may potential na atleta para maging national athletes tulad na lamang nina Lydia de Vega, Elma Muros, Eric Buhain at marami pang iba.

 

Una rito kinumpirma ni Mayor Teodoro ang unang kaso ng coronavirus disease sa siyudad.

 

Agad na nilinaw ng mayor na ang lalaking pasyente ay hindi maituturing na local transmission ang kaso dahil may travel history ito sa pagbiyahe sa South Korea.

 

Samantala, tuloy naman ang pagdaraos ng 2020 National Schools Press Conference (NSPC) at National Festival of Talents (NFOT) dahil ang mga delegado para dito ay nasa biyahe na habang ang iba ay nakarating na sa mga venue na pagdarausan ng mga aktibidad.

 

Ang NSPC, na idinaraos na sa Tuguegarao City, Cagayan, at NFOT, na isinasagawa na sa Ilagan City, Isabela, ay naka-iskedyul na idaos mula kahapon na Marso 9 hanggang 13. (REC)

Other News
  • Functions ng bagong tatag na presidential chief of staff, inilatag ng Malacanang

    INISA-ISA ng Office of the Press Secretary ang mga tungkulin ng bagong tatag na Office of the Presidential Chief of Staff (OPCOSS), kung saan itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Victor Rodriguez, matapos nitong magbitiw bilang executive secretary nitong weekend.     Sa kanyang pahayag, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang […]

  • Sa pagko-consider na isama bilang National Artist; LEA, ipinagdiinang maraming mas deserving tulad ni DOLPHY

    ANG documentary film na “And So It Begins” ang napili ng Film Academy of the Philippines (FAP) bilang official entry ng Pilipinas para sa 97th Academy Awards o sa Oscars 2025.   Lalaban ito sa kategoryang “Best International Feature”.   Ang magandang balita tungkol sa pagkakasama ng “And So It Begins” ay inanunsyo ng FAP […]

  • Reassessment ng listahan ng 4Ps list, matatapos sa Setyembre-DSWD

    MATATAPOS sa Setyembre ang ginagawang reassessment ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).     Sinabi ni DSWD Secretary  Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang na may 700,000 pamilya ang ni-reassessed upang makita kung kailangan na ikonsidera pa ang mga ito bilang mahirap at maging […]